Vicky Morales addresses controversial photo with Jeane Napoles; Jeane posts bond in tax evasion case

Vicky Morales on controversial photo with Jeane Napoles: "As the children’s party was about to end, a crowd gathered in front of the function room for a group photo with the children who had attended. As I waited for my kids, the group requested me to join them as well, to which I obliged, even if I did not know most of the people in the photo."


“It is unfortunate that some people have imputed malice and taken the photo out of context.”

Ito ang pahayag ni GMA News anchor and TV host Vicky Morales kaugnay ng larawan kung saan makikitang kasama niya si Jeane Napoles sa isang children’s party.

Naging tampok ng espekulasyon ang larawan ni Jeane na inilabas ng Rappler news site noong March 24.

Ito ay sa kadahilanang kuha ang naturang larawan ni Jeane sa isang children’s party sa SM Aura, Taguig City, noon pang October 10, 2014.

Taliwas ito sa pahayag ng ina ni Jeane na si Janet Lim-Napoles na wala sa bansa ang kanyang anak na dalaga, ayon sa ulat ng GMA News Online noong March 20.

Nabanggit din dito na ilang araw bago ang panayam kay Janet ay namataan si Jeane na nagpa-party sa isang five-star hotel sa Pasay City kasama ng ama at mga kapatid nito.

Kontra-pahayag ni Janet ukol dito: "Siguro naman kung nandito na siya, isa ako sa mga unang makakaalam."

Si Janet ang itinuturing na utak sa likod ng mga pekeng non-government organizations (NGOs) na tumatanggap ng pondo mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga kasabwat na mambabatas.

Kasabay nito ay naging usap-usapan ang magarbong pamumuhay ni Jeane, kabilang na ang paninirahan niya sa Ritz Carlton Hotel at 21stbirthday party sa Beverly Hills Hotel noong 2013.


NO CONNECTION WITH JEANE. Samantala, hindi maiwasang kuwestyunin ang kaugnayan ni Vicky sa pamilya Napoles.

Lalo pa’t lumalabas na si Jeane ay nasa Manila noon pang nakaraang taon, gayong inaasahan ang pagbalik ng dalaga sa bansa nitong bandang huling linggo lang ng Marso.

Ngunit nilinaw ni Vicky na hindi niya personal na kakilala at hindi niya napansin si Jeane nang magkrus ang landas nila sa children’s party ng pamangkin ng huli noong October 2014.

Ayon pa sa GMA news anchor/host, ang tanging kakilala niya ay si Anna Lim, ang maybahay ni Reynaldo “Jojo” Lim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jojo ang nakatatandang kapatid ni Janet at kapwa-akusado sa kasong illegal detention na isinampa ni pork barrel scam whistleblower Benhur Luy.

Pareho ng tinitirhang condominium building sina Vicki at Anna kaya imbitado ang GMA news anchor/host sa birthday party ng bunsong anak ng huli na si Ellie.

Paliwanag pa ni Vicky base sa ulat ng GMA News Online noong March 25: “I went to Kidzville at SM Aura in October last year to accompany my three children to the 3rd birthday party of our neighbor, Ellie Lim.

"My daughter and Ellie go to the same playground in our condominium, hence they were invited.

"As a hands-on mom, it has always been my practice to drop off my kids at birthday parties and fetch them afterwards.

“I know Anna, the mother of Ellie, because we live in the same building.

"However I do not know Ms. Jeane Napoles, nor have I spoken with her at any time."

Ayon pa kay Vicky, walang rason para bigyan ng malisya ang larawan nila ni Jeane dahil hindi sila personal na magkakilala nito.

“As the children's party was about to end, a crowd gathered in front of the function room for a group photo with the children who had attended.

“As I waited for my kids, the group requested me to join them as well, to which I obliged, even if I did not know most of the people in the photo,” saad ng 24 Oras news anchor.

Nanindigan din si Vicki na nananatili ang integridad niya sa trabaho sa kabila ng espekulasyong nag-uugnay sa kanya at kay Janet Lim-Napoles.

"In all my 25 years of broadcasting, I have always valued integrity, hard work, fairness, and objectivity—and I shall continue to do so, consistent with GMA News' commitment to uphold the highest ethical standards.”


JEANE’S TAX EVASION CASE. Sa kasalukuyan, kumpirmadong nasa bansa si Jeane Napoles, na nahaharap sa kasong tax evasion dahil diumano sa hindi nito pagbayad ng buwis na nagkakahalaga ng P17 million para sa taong 2011 at 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa hiwalay na ulat ng GMA News Online noong March 24, inihayag ng legal counsel ni Jeane na si Atty. Stephen David na humarap sa Court of Tax Appeals ang kanyang kliyente upang magbayad ng piyansa kamakailan.

Balak din umanong maghain ng apela ng kampo ni Jeane kaugnay ng paglobo ng interes ng unpaid tax ni Jeane na umabot ng P37 million.

Ito ay sa kadahilanang wala umanong trabaho si Jeane para sa nabanggit na mga taong sinisingil siya ng buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN