Heart Evangelista admits to using birth control pills

Heart Evangelista on her relationship with Sen. Chiz Escudero’s children: "Hindi rin kasi ako mapilit. I don’t make them pilit if they go with me, but if they want to, I’m just there. Whenever we have time together, I think they want more, that’s why they keep on coming back."


Kahit wala pang planong magkaanak si Heart Evangelista sa taong ito, mayroon na raw siyang napipiling pangalan para sa magiging unang supling nila ng asawa niyang si Senator Chiz Escudero.

Sabi niya, “If it's a boy, I might name him Francis, like Chiz.

“If girl, I might name her Sofia or... exciting talaga!

“Yung kids naman niya, they're asking kung kailan.

“Kung prepared na ako? More or less.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ba pang miyembro ng media si Heart sa ribbon-cutting ng Uncle Tetsu Cheese Cake sa SM Megamall noong March 26.

WIN-WIN SITUATION. Hindi rin itinanggi ng Kapuso actress-TV host na gumagamit sila ng birth control ni Chiz para huwag muna siyang mabuntis.

Ayon pa kay Heart, “pills” ang ginagamit nilang method ni Chiz.

“I'm very open about it now.

“Kasi, if I stop, I'll get pregnant.

“My doctor advised me not to stop yet, and then, after months, I'll stop, and I'll do… yun.

“I’ll finish first yung [obligations], then I'll get pregnant.

“Hirap din kasi yung nagsu-shoot ako for a commercial, 'tapos buntis ako.

“I always thought that when I get married, I always want a quiet life.

"But then, I got married to someone who's in politics, so it's different.

“But if he wants or kung hindi, okay lang naman sa akin.

“It's a win-win situation sa akin.”


CHIZ'S CHILDREN. Ramdam naman daw ni Heart na masaya para sa kanila ang dalawang anak ni Chiz mula sa dati nitong asawang si Christine Flores—sina Cecilia at Joaquin Escudero—kahit nga raw uncoventional ang set-up ng kanilang pamilya.

Saad ng Kapuso actress-TV host, “You feel naman if your daughter is happy, e.

“Nakikita niya [Cecilia], binabasa naman niya yung YES! magazine [March 2015 issue], may Facebook na siya, nag-open na siya ng account.

“Una niyang ipinost na video, yung wedding ko… she's seven years old!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Heart, “We have a different family system.

“It's very hard to understand…

"I understand, I’m okay. It's cool.

"Hindi rin kasi ako mapilit.

“I don't make them pilit if they go with me, but if they want to, I'm just there.

“Whenever we have time together, I think they want more, that's why they keep on coming back.”

Pampered din daw ang mga ito sa kanya.

Ani Heart, “Yes, I do. Medyo pampared.

“But si Chiz, siya siguro yung taga-balanse.

“The boy is very easy, nasa stage siya na nagba-basketball siya.

“So, hindi na siya maka-relate sa scrapbook mode namin ni daughter, so he's on his own na.

“The girl is... she needs more attention, I think.”

Maayos naman daw ang relasyon niya sa dalawang anak ni Chiz.

“As of now, we're living separately, but in the same village, so nilalakad lang.

“Hindi pa naman siya drastic, pero slowly din, which is okay.

“Like today, it's summer, nasa bahay sila lagi.”

Tungkol naman sa pagsasama nila ng senador, “I'm very lucky naman na hindi niya [Chiz] ako pini-pressure in a certain way, or dress in a certain way.

“Like, halimbawa, may nagtatanong sa akin kung... if I wanna be the guest speaker. Sabi ko, 'Ano?’

“Other than that, we live such a normal life, na it's really our...

“Kumbaga, I don't have to tailor my life to anything.

“He always tells me to be just myself, and nothing really has to change.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN