RJ Padilla attests to the generosity of half-brother Daniel Padilla; advances to exclusive contract with GMA Network
by Ruben Marasigan posted on

RJ Padilla once more expresses his affection for his half-brother Daniel, saying the bigger his fame, the more he stays the same. “Kumapal lang nang kumapal ang bulsa niya, pero as a person at yung ugali niya, ganun pa rin siya at walang ipinagbago.”


Gusto ni RJ Padilla na magkaroon sila ng regular at madalas na bonding time ng half-brother niyang si Daniel Padilla.

Pero dahil abala sa kani-kanilang trabaho, bibihira raw silang magkita at magkasama.

Sabi ng Kapuso actor, “Ang last bonding namin ni Utol ay nung premire night nung pelikula nila ni Kath [Kathryn Bernardo] na Crazy Beautiful You.

“Hindi kasi kami magkatiyempo ng schedule, lalo siya, sobrang busy niya talaga sa trabaho lately.

“Pero kapag nagkita naman kami, parang wala namang nawala.

"Talagang ganun pa rin kami bilang magkapatid na nandun yung kulitan.

“Wala yung, 'Bro, mas sikat ako sa ‘yo!' Walang ganun!”

“And wala namang nagbago sa ugali ni Daniel, pati dun sa kung paano niya ako tratuhin.

"Kumapal lang ang bulsa niya!” natawang biro niya.


Patuloy pa ni RJ, “Kumapal lang nang kumapal ang bulsa niya, pero as a person at yung ugali niya, ganun pa rin siya at walang ipinagbago.”

BIG HEART. Sinasabi na likas daw ang pagiging generous ni Daniel sa kanyang pamilya, isang bagay na ikinabibilib talaga ni RJ sa kanyang sikat at nakababatang kapatid.

Paano ba ang pagiging generous nito sa kanya?

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Mapagbigay sa gamit ‘yon, oo.

“Kasi sa bahay niya, meron siyang half court. Mahilig kasi kami sa basketball.

“Ngayon, nakalimutan kong magdala ng sapatos.

"At naikuwento ko sa kanya na yung sapatos na isinusuot ko, masakit sa paa kaya hindi ko na rin dinala.

“Sabi niya sa akin, 'Huwag kang mag-alala, bro, marami akong sapatos diyan. Pumili ka diyan, ibibigay ko sa ‘yo.'

“Siyempre ako, nahiya naman ako. Kasi baka isipin niya pumunta ako dun para manghingi ng sapatos!

“Pero talagang buong-puso niyang ibinigay sa akin, e. Talagang napakabait ng kapatid ko.”


HIS NAME, HIS FAME. May mga magkakamag-anak na artista na sa bawat project ng pinakasikat sa pamilya ay ipina-package deal ang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sabi ni RJ, “Malabo naman sa amin ‘yon, kasi magkaiba kami ng home studio.

“At saka, let’s say lang na nasa ABS din ako, kapag ipa-package deal ako kay Daniel, e, wala akong makukuhang marka as ako.

“Makikita at titingnan nila ako as kapatid ni Daniel, na parang si Daniel lang o gustong maging si Daniel.

“Kaya sabi ko sa sarili ko, kailangang gumawa rin ako ng sarili kong bandila, kaya dito ako sa Kapuso.

Ipinaalala rin ni RJ na nang nagsisimula pa lang siya sa showbiz, at wala pa si Daniel noon, ay Kapuso na talaga siya.

“At saka hindi ko naman inambisyon pa na maging heartthrob o matinee idol na gaya ni Daniel.

"Okey na ako kahit nalilinya sa mga character roles.

“At saka kung hahangarin ko na maging bida na parang si Daniel, e, pagtatawanan lang ako ng tao.

“Okey na sa akin yung ganitong takbo ng career ko, na hindi ako nawawalan ng trabaho.

“Masaya na ako na maging regular mainstay ng Bubble Gang.

"'Tapos ngayon nga, kasali rin ako sa cast ng InstaDad at gumaganap bilang sidekick ni Gabby [Eigenmann].

"Happy ako. Happy naman ako bilang isang Kapuso."


EXCLUSIVE CONTRACT. Kapipirma lang daw ni RJ ng panibagong kontrata sa GMA.

“Kailan lang ay pumirma ulit ako ng two years sa GMA.

"At itong kontrata na ito ay malaking blessing sa akin kasi binigyan ako ng exclusive.

“Kasi yung last na kontrata ko, hindi pa exclusive.

"So, masaya ako in-offer ako ng exclusive contract ngayon.”

At ngayong exclusive Kapuso contract star na siya, may nasabi na bang mga magagandang plano for him ang management ng GMA?

Sabi ni RJ, “Pagmi-mitingan pa ng manager ko ‘yan at saka ng mga bossing sa GMA.

"Pero I’m looking forward to doing more projects.

“Hindi naman siguro ako papipirmahin ng exclusive contract kung walang plano para sa akin ang GMA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN