Jojo Veloso leaves public service to return to talent management: “Kasi ang politics, parang showbiz din."
by Ruben Marasigan posted on

After 10 years of serving the Biliran local government as board member, Jojo Veloso is going back to his first love, which is talent management.

In this photo, Jojo with two of his new wards, Anya Aragon (left) and Alyssa Lao (right).


Balik-showbiz ang minsan ay naging very controversial talent manager na si Jojo Veloso.

At masaya siya na ang kanyang bagong discovery na si Anya Aragon ay contract star kaagad ng Viva Films.

Lahad ni Jojo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Five years exclusive contract ang una naming pinirmahan.

"Kasunod nito ay yung contract naman para sa six movies na gagawin ni Anya.

“Ang gusto ni Boss Vic [del Ropsario, Viva owner], medyo sexy ang packaging na parang Ellen Adarna.

"And okey lang naman kay Anya, wala namang problema sa kanya ‘yon."

Nakakasa na raw ang unang pelikulang gagawin ni Anya sa Viva Films, isang romantic-comedy na si Tony Reyes ang magiging direktor.

Ayon kay Jojo, “Pero hindi pa namin alam ang title, e.

"Wala rin kaming idea kung sino yung mga artistang makakasama ni Anya.

“Basta after naming pumirma ng kontrata, agad-agad ay pinag-workshop ng Viva si Anya.

"At ang sabi nga, soon ay magsisimula na siyang mag-shooting para sa unang pelikula niya.

“Actually, baka nga kasabay na rin na i-shoot yung isa pang pelikula sa Viva pa rin.

"Kaya yung initial six movies na pinirmahan namin, baka nga hindi umabot ng two years ay tapos nang lahat."


DISCOVERIES. Anya is 18 years old; taga-Matnog, Sorsogon. Na-discover daw siya ni Jojo habang kumakain sa isang restaurant doon.

Kuwento pa ni Jojo, “Dahil sa tingin ko ay may potential talaga, tinanong ko kung gusto niyang mag-artista.

"Hindi agad siya sumagot ng oo kaya binigyan ko na lang ng calling card.

“Hanggang nung nag-decide siya na gusto niyang i-try ang showbiz, tumawag siya sa akin.

"'Tapos nagpaalam siya sa pamilya niya. Pinayagan naman siya ng parents niya na lumuwas ng Maynila, kahit pa kinailangan na mag-stop muna siya ng pag-aaral.

“HRM [Hotel and Restaurant Management] student siya sa isang university sa Bicol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, sabi niya, babalikan na lang daw niya ang schooling.

“At thankful kaming dalawa dahil kapalit ng paghinto muna niya sa pag-aaral ay ang kaagad naman niyang pagiging contract star ng Viva.”

Bukod kay Anya ay may isa pang bagong discovery si Jojo, si Alyssa Lao.

Sixteen years old naman ito, isang cosplayer na aktibo rin sa pagmu-model sa car shows.

“Dinala siya sa akin ng pamangkin ko. And nakita ko na may potential din siya kaya dinala ko rin siya sa office ng Viva.

“Sa kanilang dalawa muna ako magku-concentrate.

"Kapag okey na sila, saka naman yung iba pang igu-groom ko ring mga talents.

“Parang test ito sa akin kung talagang kaya ko pang makapagpasikat ng artista.

"Kaya challenge sa akin na mai-build up ko itong sina Anya at Alyssa.”

Naranasan ni Jojo na masuong sa matinding kontrobersiya na idinulot ng video scandal na kanyang kinasangkutan.

At maaaring yung mga taong naghangad na pabagsakin siya noon ay harangin ang tsansa na muli na naman siyang makabalik sa pagma-manage ng mga artista.

“Ready naman ako diyan. Sa tagal ko na naman ba at sa matitinding pinagdaanan ko.

“Nakaabot pa nga ng Senado yung naging isyu sa akin, 'di ba?” natawa na lang na sambit ni Jojo.


CIVIL SERVANT. Halos 10 years din siyang namuhay outside showbiz circle. Pumasok kasi siya sa pulitika at naging board member ng Biliran province.

“Actually, I thought na ‘pag nag-ano ako sa politics, magiging tahimk ang buhay ko. Hindi rin, e.

“Kasi ang politics parang showbiz din. Na kahit anumang maganda o mabuting gawin mo, titirahin ka pa rin ng mga kalaban mo at ng mga taong ayaw sa ‘yo.”

Matapos ang kanyang termino bilang board member, nagtrabaho naman si Jojo bilang isa sa mga staff ni Biliran Governor Gerry Boy Espina.

Siya ang in-charge sa pag-aasikaso ng scholarship programs nito, pagpu-promote ng tourism at special events sa buong probinsiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero magtatrabaho pa rin ako for Governor Espina, hindi lang nga gaya ng dati na talagang full-time.

“Siguro ang mangyayari, two weeks ako dito sa Manila, two weeks doon.”

Hinihikayat daw siya ni Governor Espina na tumakbo ulit bilang board member ng Biliran sa 2016 elections.

Pero ayon kay Jojo, “Hindi pa ako makasagot.

"Gusto ko, hintayin ko muna ang resulta ng pagbi-build up ko kay Anya at saka kay Alyssa.

“Kasi kapag nandun naman ako sa Biliran, hinahanap ko yung dito sa showbiz, e.

"Sabi ko, nakapagsilbi na naman ako sa mga kababayan ko sa province namin ng halos ten years, pagbigyan ko muna yung gusto ko na maging star builder ulit.”


STAR BUILDER. Marami na ring na-discover at pinasikat si Jojo. Kabilang sa naging talents niya ay sina Ina Raymundo, Dale Villar, Matthew Mendoza, Via Veloso, Aya Medel, Allen Dizon, at Ana Capri.

Kasabay ng pagbabalik-showbiz ni Jojo ay ang pagtatayo niya ng Faces International Artist Management.

Ito bale ang kapalit ng dati niyang PHILMODA (Philippine Modelling Agency).

Sabi ni Jojo, “Dito sa bagong artist management agency ko, mga bata ang aking staff, e. Katulad ng pamangkin ko at ilan pang relatives ko.

“Mas gusto daw nila na magkaroon kami ng bagong opisina… mas gusto namin talaga ngayon, e, artist management.

“Kasi yung PHILMODA noon, more on commercial models, e. Although may plano rin kami na mag-handle din ng mga models.”

Ibabalik din ba niya yung Face of the Year pageant na ilang taon ding tumagal sa ilalim ng PHILMODA?

Ayon kay Jojo, “May plano rin kami.

"Actually, may mga kausap na nga ako para rito na tutulong sa pag-organize nito na ang gusto nila… magkaroon din ng international pageant."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN