Where was Mommy Divine when Sarah Geronimo attended Matteo Guidicelli’s birthday party?

Usap-usapan ang hayagang sweetness ng magkasintahang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa ginanap na 25th birthday party ng aktor kamakailan. Kasabay nito ay marami ang nakapansin kung bakit hindi dumating ang ina ng Popstar Princess na si Mommy Divine sa naturang pagtitipon.


Tila hindi pa rin lubusang aprubado ang relasyong Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ng ina ng Popstar Princess na si Divine Geronimo, o mas kilala sa showbiz circles bilang Mommy Divine, sa kabila ng patuloy na gumagandang samahan ng magkasintahan.

Patunay nito ay ang pagiging missing-in-action ni Mommy Divine sa birthday party ni Matteo.

Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang tungkol sa pagdalo ni Sarah sa 25th birthday celebration ni Matteo na ginanap sa Swatch + Swatch Center, sa Makati City, noong Huwebes, March 26.

Base sa kumalat na photos at videos ng birthday party ni Matteo sa social media, kapansin-pansing wala ang ina ni Sarah.

Madalas kasi ay nakaantabay si Mommy Divine sa Popstar Princess, work-related event man o mga personal na lakad ng Kapamilya actress-singer.

Habang ang ina ni Matteo na si Glenna Guidicelli ay kabilang sa mga namataang special guests ng binata noong gabing iyon.

Kaya tanong ng masugid na fans nina Sarah at Matteo: Nasaan si Mommy Divine? Payag na ba ito na walang chaperone si Sarah sa mga personal na lakad nito?

Noon pa man ay hindi kaila sa publiko ang tungkol sa pagiging istrikto ng ina ni Sarah, lalo na pagdating sa lovelife ng anak.

Sa kabila nito, naging bukas si Sarah tungkol sa nararamdaman niya para kay Matteo mula nang isapubliko ng Popstar Princess ang kanilang relasyon noong June 2014.

Maging sa mga kumalat na photos at videos ng birthday party ni Matteo—na makikita sa social media accounts ng YES! magazine—ay hindi maikakaila ang pagmamahal sa isa't isa ng magkasintahan na panay ang holding hands at yakapan.

Dito ay mapapanood din kung paano bahagyang napaiyak si Matteo nang ihayag ni Sarah ang kanyang birthday wish para sa nobyo.

Sabi ni Sarah kay Matteo: “I love you... Maraming salamat sa pagmamahal mo.

“You are now becoming a man, and I am praying, lovey, that you will continue to seek God, and that you will become the man that God has planned you to become, okay? Okay? Okay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako man makatuluyan mo o hindi, okay. Okay? I love you.”

Ilang araw matapos ang birthday party, inihayag ni Matteo sa isang panayam kung gaano siya pinasaya ni Sarah dahil sa lahat ng “efforts” at “pagmamahal” ng dalaga para sa kanya.

Dito ay tinanong si Matteo kung kasama ni Sarah si Mommy Divine sa party, ngunit ang tanging sinagot ng binata ay kasama ni Sarah ang mga pinsan nito at hindi na nagdetalye kung bakit hindi nakarating ang ina ng nobya.

Pilit inusisa ng press ang estado ng relasyon ni Matteo at mga magulang ni Sarah, ngunit naging maingat ang aktor sa kanyang mga binitawang salita.

Sa huli, inamin ni Matteo na ang totoo ay may mga bagay na hindi tugma ang pananaw nila ng mga magulang ni Sarah.

Ganunpaman, iginiit ng aktor na nananatiling buo ang kanyang respeto at pagmamahal sa mga ito, alang-alang sa pagmamahal niya sa nobya.

“We don't have the same mindset, kumbaga.

“But I respect like whatever mindset they have, what they feel and think about, I respect everything, totally everything.

“I can't do anything because they're the people Sarah loves the most so I love them, too, and I want to love them, too.

“And I hope everything will be better and happier in the future, kumbaga.”

Read: Matteo Guidicelli on parents of girlfriend Sarah Geronimo: “Whatever mindset they have, what they feel and think about, I respect everything...”

Hindi man malinaw kung bakit hindi dumalo si Mommy Divine sa birthday party ni Matteo, tila desidido si Sarah na ihayag ang kanyang pagmamahal para sa aktor.

Base na rin ito sa kumalat na video kung saan makikitang kinantahan ni Sarah si Matteo ng “Thinking Out Loud” ni Ed Sheeran.

Dito ay makikitang magka-holding hands ang magkasintahan at sandaling niyakap pa ni Sarah si Matteo habang inaawit ang lyrics ng kanta na “Take me into your loving arms.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa paboritong kanta ito ni Matteo, makahulugan ito para sa couple dahil magkasama nilang napanood ang concert ni Ed Sheeran sa Mall of Asia Arena kamakailan.

Pagkatapos ay kinanta naman ni Matteo para kay Sarah ang paborito nilang kanta na “All of Me” ni John Legend.

LOOK: Matteo Guidicelli celebrates birthday with his “mahal” Sarah Geronimo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN