Eula Caballero admits reconciliation with boyfriend Christian Samson

Eula Caballero on admitting her relationship with boyfriend Christian Samson: "I don’t want to lie kasi. Para naman akong ewan na sasabihin ko na hindi, pero makikita naman kami sa labas na magkasama. Parang I’m just making a fool of myself. At saka parang I have a deeper understanding now kung ano ang pinasok ko at kung ano ang gusto ko sa pinasok ko."


Bilang kaibigan ni Bret Jackson, na kasama rin niya sa upcoming TV5 serye na Wattpad Presents: Lady In Disguise, nararamdaman daw ni Eula Caballero kung anuman ang damdamin nito sa Kapamilya actress na si Andi Eigenmann.

Hindi naman kaila sa lahat na marami ang kontra sa panliligaw ni Bret kay Andi, lalung-lalo na ang ina ng Kapamilya actress—ang beteranang aktres na si Jaclyn Jose.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Eula sa pocket presscon ng Lady In Disguise—na magsisimula na ngayong April 6—hindi niya itinanggi na napag-usapan nila ito ni Bret kapag break sa kanilang taping.

Saad ng Kapatid young actress, "Yeah, I think I asked him na, ‘How's Andi? What's up with you, guys?’

"And he said, 'Oh, she's good!' And he's telling everyone na they're dating nga po.

"Yun lang naman ang sinasabi niya sa akin."

Ano naman ang reaksiyon ni Eula kapag ipinagmamalaki ni Bret sa kanya si Andi?

Lalo na nga't kakasimula pa lang din ng bagong kabanata sa pag-ibig ni Eula nang makipagbalikan siya kay Christian Samson, na batchmate niya sa artista search ng TV5 na Star Factor.

Nakangiting sabi ng dalaga, "Ano lang kasi... ako kasi, inisip ko talaga na during those three months na... inisip ko what's been wrong with my life.

"Kasi sabi ko, I'm so young and I'm not that happy. I'm sad most of the time.

"I realized na, in this world, it's very hard to survive.

"Naisip ko na back to the basic, na the truth will set you free.

"And when you're free, you're happy."

Masasabi ba niya talagang mahal ni Bret si Andi?

Sagot ng 19-year-old Kapatid star, "He's very inspired.

"Even his acting, aminin na natin na nabubulul-bulol talaga. Sa lines-wise, medyo sumasabit.

“Pero when you look at him in the eye, ang bilis mag-build ng connection sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He's very inspired."

EULA’S BF. Sa puntong ito, ipinagmalaki rin ni Eula ang inspirasyon na dala sa kanya ng boyfriend na si Christian.

Sabi niya, "Siya ang nagsasabi sa akin na, 'O, ba't hindi ka mag-FHM, ganyan-ganyan.’

"He does fimmaking kasi kaya he understands the art of that.

"He's graduating this year, and he likes photography also.

"Sabi nga niya, 'Gumawa ka ng isang maganda, piliin mo yung theme mo, something for the art.’

"May sinabi nga siya na quote na talagang ano sa akin… sabi niya, 'Don't let a piece of clothing define you.'"

Alam ba ng TV5 Talent Center ang ginawa niyang pag-amin na nagkabalikan sila ni Christian?

Sabi ni Eula, "I don't know... I don't want to lie kasi.

"Para naman akong ewan na sasabihin ko na hindi, pero makikita naman kami sa labas na magkasama.

"Parang I'm just making a fool of myself.

"At saka parang I have a deeper understanding now kung ano ang pinasok ko at kung ano ang gusto ko sa pinasok ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN