Kyla happy but still nervous about her transfer to ABS-CBN

Kyla on being a Kapamilya: “I’m just really, really happy na nandito ako, pero siyempre mayroon pa ring mga kaba, ganyan. But I’m just really, really happy and excited sa mga susunod ko pang gagawin.”


Mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang lumipat si Kyla mula GMA Network papuntang ABS-CBN.

Pero aminado ang singer na hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya.

Sabi ni Kyla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “I’m just really, really happy na nandito ako, pero siyempre mayroon pa ring mga kaba, ganyan.

“But I’m just really, really happy and excited sa mga susunod ko pang gagawin.”

Nagpapasalamat din ang tinagurian nang “Queen of R&B” sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapamilya stars.

“Actually, lahat naman sila, pero yung first siguro na show na feeling ko was a big help for me was TV show na Kris TV.

“Si Ate Kris [Aquino], most especially, she’s very welcoming, very warm.

“And then, sila Kuya Gary [Valenciano], Kuya Martin [Nievera], ‘tapos yung mga nakasama ko na co-artists.”

Ngayong lumalabas na siya sa ASAP, hindi ba siya nagdalawang-isip gayong ito ang katapat ng pinanggalingan niyang programa sa GMA, ang Sunday All Stars—pagkatapos ng SOP at Party Pilipinas?

Sabi ni Kyla tungkol dito, “Dito naman sa business natin, ‘di ba, tayo-tayo din ang nagkikita-kita.

“Siyempre mami-miss mo yung mga katrabaho mo dun, but they’re all very happy for me and I’m happy to be here.”

Samantala, muling nilinaw ni Kyla na walang sapawang nangyari sa kanila ni Nina sa production number nila noong 20th anniversary special ng ASAP noong February.

Matatandaang magkasama sina Kyla, Nina, Juris, Angeline Quinto, Bituin Escalante, at Lani Misalucha na kinanta ang hit song ni Mariah Carey na “Vision of Love.”

Sa dulo ng kanta kasi ay nag-whistle si Nina at marami ang pumuna sa ginawa nito.

Pahayag ni Kyla tungkol dito, “Wala namang sapawan na nangyari.

“Siguro, yung sinasabi nila dito, yung nag-ano siya sa part na bandang huli, gagawin niya talaga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman yun biglaan. It’s finely rehearsed when we recorded so we were not surprised.

“Even when we’re on the stage, hindi ko siya na-feel talaga.

“Nasa in the moment kaming lahat so wala kaming na-feel anything like that.”

Siniguro rin ni Kyla na wala silang problema ni Nina.

Sabi niya, “Yes, we’re okay.

“Magkasama nga kami sa dressing room sa ASAP nang mag-guest kami recently.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN