Miguel Tanfelix surprised by Bianca Umali’s presence at his graduation

Miguel Tanfelix on graduation grom high school: "Gift ko ito sa parents ko kasi kahit nung nagsisimula pa lang po ako mag-artista, lagi nilang pinapaalala sa akin na huwag akong makakalimot sa pag-aaral ko. They taught me the value of education kaya talagang kahit mahirap, pinagsikapan kong matapos itong pag-aaral ko."


Isa sa mga artistang nag-graduate this school year ay ang Kapuso teen actor na si Miguel Tanfelix.

Nagtapos ng high school si Miguel sa Cavite School of Life kamakailan.

Ayon sa 17-year-old actor, hindi naging madali para sa kanya ang tapusin ang huling taon niya ng high school.

Ito kasi ang mga panahong nagsimula na siyang pagkatiwalaan ng GMA Network na maging bida sa magkasunod niyang primetime series—ang Niño at Once Upon A Kiss.

Sabi ni Miguel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Naging mahirap lalo na noong nag-start na ako mag taping sa Niño, then nagkaroon ng Ismol Family, ‘tapos nasundan pa ito ng Once Upon A Kiss.

“Priority ko po kasi talaga yung studies ko so I really have to make time for it.

“Kapag wala akong taping, focused talaga ako sa studies ko muna.

“Hindi ko na rin inisip mag-leave pa sa school kasi sayang naman at graduating na ako.

“Kapag hindi ko pa natapos ito this year, then baka mapasok na ako sa K-12 program.

“So, talagang sabi ko sa sarili ko, tapusin ko na fourth year ko.”

Patuloy niya, “Mahirap mag-balance ng work and studies, pero kapag ginusto mo talaga, kakayanin mo rin, e.

“Yung mommy and daddy ko po, palagi nilang ipinapaalala sa akin na mag-aral.

“And sinusunod ko yun palagi kahit minsan mas gusto ko na lang magpahinga.

“Time management lang talaga ang kailangan para magawa lahat ng ito.”

Ayon pa kay Miguel, ang kanilang angkan ay maituturing na educators. Ang lola niya ay may pag-aaring eskuwelahan kaya malaki ang pagpapahalaga nila na makatapos ng pag-aaral.

HIGH SCHOOL DIPLOMA. Ano ang naramdaman ni Miguel nang magmartsa siya at makuha ang kanyang diploma?

Saad niya, “Unang-una po, pasasalamat sa Diyos sa pagbigay Niya sa akin ng lakas at talino para matapos ko yung high school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At siyempre po, pasasalamat sa aking magulang na palaging nandiyan para sumuporta sa aking pag-aaral.

“Alam kong hindi ito naging madali para sa mommy at daddy ko at para sa akin na rin, pero sa wakas natupad na rin ang isa sa mga pangarap ko.

“Kaya po napakasaya ko rin ngayon.

“Gift ko ito sa parents ko kasi kahit nung nagsisimula pa lang po ako mag-artista, lagi nilang pinapaalala sa akin na huwag akong makakalimot sa pag-aaral ko.

“They taught me the value of education kaya talagang kahit mahirap, pinagsikapan kong matapos itong pag-aaral ko.

“Masarap din pala yung pakiramdam na na-achieve mo yung goal mo na talagang pinaghirapan mo.

“The feeling is priceless.”

Ngayong tapos na siya ng high school, gusto ni Miguel na makatuntong ng kolehiyo sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang acting career.

Aniya, “Balak ko pong kumuha muna ng Aviation course in preparation for my ultimate dream na maging pilot someday.

“I also want to take up Engineering and hopefully sa La Salle.

“Feeling ko naman kakayanin ko po, pero siguro unti-unti lang muna.

“I’ll try to take few units lang muna per sem, yung kaya lang sa schedule ko para din hindi mabigla.

“Panibagong challenge ito para sa akin and, this time, gusto kong i-prove sa sarili ko and sa parents ko na kaya ko rin matapos yung college.”

BIANCA UMALI. Kung may naging sorpresa man kay Miguel noong mismong graduation niya, ito ay ang pagdating ng kanyang leading lady at ka-loveteam na si Bianca Umali.

Ano ang reaksiyon niya nang makita si Bianca sa kanyang graduation?

Lahad ni Miguel, “I was really surprised to see Bianca sa graduation ko.

“Wala akong masabi kay Bianca bilang isang kaibigan.

“Actually, galing pa siya nun ng taping sa Quezon City, pero she went out of her way to attend my graduation.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “I feel so blessed with my friendship kay Bianca.

“I consider her as a true friend and my best friend.

“Yung pag-attend pa lang niya, napakalaking regalo na nun sa akin. Super-saya ko nung nakita ko siya dun sa school.

“Para sa akin, hindi na ito taping sa soap, ‘eto na yung totoong Bianca, yung best friend ko na nandiyan palagi para sa akin.

“I hope masuklian ko lahat itong suporta niya sa akin someday.

“Napakasuwerte ko na nakilala ko si Bianca at naging super friends pa kami.

“Thankful ako sa kanya.”

COMPARISON. Hiningi rin ng PEP ang reaksiyon si Miguel tungkol sa ilang komento ng netizens sa diumano’y itinatakbo ng kuwento ng Once Upon A Kiss.

Bagamat nakasentro ngayon ang kuwento sa pagkakaroon ng malubhang sakit ni Bianca bilang si Ella, hindi maiwasang may nagkukumpara sa teleserye nila sa Forevermore ng Kapamilya network.

Tila nagkapareho raw ang takbo ng kuwento na mula sa probinsiya ay nasa Manila na rin sila ngayon at nag-aaral.

Sabi ni Miguel, “Hindi naman po.

“Nagkataon lang siguro na pareho yung naging takbo ng istorya namin at napunta na rin kami sa Manila.

“Kasi sa story po, nag-aaral kami pareho ni Bianca.

“And siyempre po, dahil mayaman ako sa story, sa Manila po ako pinag-aral ng mga magulang ko.

“Ganun din naman po si Bianca.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN