Concert producer Joed Serrano gambles on Alex Gonzaga

Umaasa ang concert producer na si Joed Serrano (kanan) na maging matagumpay rin ang first solo major concert ni Alex Gonzaga (kaliwa) gaya nang pagsusugal na ginawa niya noon para kay Vice Ganda.


Nilinaw ng concert producer na si Joed Serrano ang isyu tungkol sa may humaharang daw sa ABS-CBN para sa promotion ng major concert ni Alex Gonzaga na The Unexpected Concert, na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa April 25.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Joed sa telepono ngayong araw, March 31, sinabi niya, “Narinig ko nga rin yung mga ganyan, nababasa ko.

“Pero actually, nagkakausap kami ng ABS-CBN… and I will only produce and support Kapamilya network.

“To think na si Alex Gonzaga, ano siya, Star Magic, ABS-CBN property, wala akong nakikitang dahilan para harangin.

“Iniintriga lang kasi napanood ko sa Bandila dahil magkasunod yung concert nila ni Vice Ganda, na magkaibigang matalik ang dalawa pati pamilya.

“E, ako rin naman ang nag-produce ng dalawang concert ni Vice.

“So, parang pakiramdam ko, kung ano ang suporta na nakuha ko kay Vice, mas lalo na higit na sususportahan ng ABS ito, kasi property and big star nila si Alex.

“Saka media partner namin ang ABS-CBN.

“Siguro nang-intriga lang… sana tumigil na rin ang mga nang-iintriga kasi nakikita ko naman yung support ng ABS sa TV, sa promo.

“So, maganda naman, and I’m very thankful.”

BIONIC WOMAN. Binigyang-linaw rin ni Joed ang kuwentong lumabas na hindi raw sila nagpaalam nang maayos sa ABS kung kaya’t may nangyayaring problema gaya nito.

Aniya, “I think nagkaprobelma lang sa scheduling kasi, ‘di ba, sabay-sabay yung Inday Bote, ‘tapos nagkaroon siya ng album, ‘tapos kaliwa’t kanan yung commitment ng bata.

“So, I guess, more of sa schedule lang.

“Nag-aalala lang ang ABS-CBN kung kakayanin pa ba ni Alex yung ganung katinding work load, yung trabaho.

“Napag-usapan naman, e, bionic woman itong si Bunso, so kinakaya naman niya.”

Dagdag ni Joed, “Actually mahirap yun—TV, bagong album launching, ‘tapos nagtu-tour siya, kung saan-saan nagpupunta, may band rehearsal, may dance rehearsal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo mahirap and she’s leaving pa yata for Australia, so sana lang ‘di siya magkasakit before the concert.

“Sa pagkakaalam ko, before we got the the date, April 25, kay Mommy Pinty, ang alam ko, ipinaalam niya.

“Kasi nakausap din namin si Mr. M [Johnny Manahan] and he’s so excited about it…

“On our part, wala kaming pagkukulang when it comes to pagpapaalam ‘coz ‘di naman kami ang nagbigay ng date kay Alex, it was given to us na alam naming bakante si Alex.”

DEFENDING ALEX. Ipinagtanggol naman ni Joed si Alex sa mga kumukuwestiyon kung bakit siya sumugal na iprodyus ito ng isang major solo concert.

Sabi niya, “Everything is a gamble para sa akin, same thing na nagawa ko kay Vice Ganda nung una.

“Kasi ang difference lang ni Alex at ni Vice nun, si Alex contract star saka may mga existing shows na with ABS-CBN.

“Si Vice, at that time, unbeatable judge pa lang siya ng Showtime.

“Pero nagsugal ako, ‘di ba, and look where he is now, he’s the biggest star na mayroon tayo ngayon.

“Kasi siya yung bukod-tanging may ganyang box-office record na sunud-sunod.

“I hope and pray na maging ganun din ang kahihinatnan ni Alex ‘coz I believe in her.

"At para pagkatiwalaan din siya ng ABS-CBN, may nakitang malaking potensiyal sa kanya.

“If ever na mangyari ‘yan, dalawa na ang big stars ng ABS—may Vice Ganda na sila, may Alex Gonzaga pa sila."

Sabi pa ni Joed, “Lahat naman talaga gamble, you just have to take the risk.

“Kasi kung ‘di magga-gamble, walang mangyayari.

“Sabi ko nga sa presscon, ‘di ba, napakaraming artista o singers na puwede sanang i-Araneta Coliseum noon, kaya lang nalipasan sila ng panahon kasi walang nagsugal.

“Kung susumahin mo, yung artista noon na dapat nag-Araneta, offer-an mo na mag-Araneta, ngayon wala na, kasi nalipasan na sila ng panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least, makapag-Araneta ka man lang once in your life, wow, ‘di ba?

“Nandun yung record mo sa Araneta Coliseum na, ‘Uy, nakapag-concert pala dito si ganito, si ganyan.’

"So, yun lang naman.

“Giving chances or opportunity sa dapat o may karapatan naman, it’s a give-and-take thing.

“Ako ang magsusugal, hindi naman siguro ako magsusugal kundi ako kikita. Yun lang yun.”

Masaya ring ibinalita ni Joed na ngayon pa lang ay maganda ang ticket-selling ng The Unexpected Concert at positibo siyang mas lalakas pa ito habang palapit nang palapit ang concert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN