Kathryn Bernardo, Daniel Padilla meet-and-greet in California cut short due to security reasons

Fans flock to KathNiel meet-and-greet event at Serramonte Mall in Daly City, California, on March 30 (5 P.M. U.S. time). Because of the unexpected crowd, the event was moved to a smaller room “due to security and liability concerns.”


Dinumog ng fans nina Kathry Bernardo at Daniel Padilla ang meet-and-greet event na inihanda para sa kanila ng iniendorso nilang clothing brand, sa Daly City, California, ngayong araw, March 31 (March 30, U.S. time).

Ayon sa post ni John Villarama sa Instagram: “Our #Bench meet and greet was cancelled due to security and liability concerns by the Head of Serramonte Mall! Ang daming tao.”

Samantala, sa post naman ni Luz Bagalacsa, handler ni Daniel sa Star Magic, sinabi niyang tuloy ang meet-and-greet sa Serramonte Mall.

Ayon naman sa Instagram post ni Bradfor Adkins, natuloy pa rin ang meet-and-greet event nina Kathryn at Daniel subalit inilipat ito sa management office ng mall at tanging ang VIP ticket holders na lamang ang pinapasok.

Nasa California ngayon sina Kathryn at Daniel para sa One Magical Night Tour kasama sina Kim Chiu, Xian Lim, Marcelito Pomoy, at John “Sweet” Lapus.

Ang susunod na concert nila ay sa Las Vegas, Nevada, sa April 4.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN