The Greatest Muhammad Ali picks Manny Pacquiao over Floyd Mayweather Jr.

Rasheda Ali, daughter of Muhammad Ali, on Manny Pacquiao: “My dad really likes Manny. He’s a huge fan of his. He knows Manny’s a great fighter but it’s more about what he does outside the ring. He’s such a charitable person.”


Si Manny “Pacman” Pacquiao ang piniling suportahan ng tinaguriang “The Greatest” na si Muhammad Ali sa laban ng Pinoy boxer kontra sa Amerikanong si Floyd Mayweather Jr. sa May 2.

Kinumpirma ito ng anak na babae ni Ali na si Rasheda Ali sa TMZ Sports noong March 31.

Ayon kay Rasheda, solid Manny Pacquiao fan ang kanyang ama.

“My dad is Team Pacquiao all the way!

“My dad really likes Manny. He’s a huge fan of his.

“He knows Manny’s a great fighter but it’s more about what he does outside the ring.

“He’s such a charitable person.”

Ayon pa kay Rasheda, hindi makakapanood nang live ang kanyang ama sa laban nina Pacquiao at Mayweather sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada. Sa bahay lang daw ito manonood.

Hindi naman kaila sa publiko na na-diagnose na may Parkinson’s Disease si Ali noong 1984.

Isa ito sa dahilan kung bakit hindi ito makakapanood nang live sa laban nina Pacquiao at Mayweather sa Las Vegas.

Pero ayon kay Rasheda, “There’s no question he’s going to order it.

“It takes my dad way back to when he was fighting.”

Sabi pa niya, matagal nang magkaibigan sina Pacman at Ali.

Nang nag-celebrate ng kanyang 70thbirthday si Ali noong 2012, isa sa imbitadong bisita ay si Pacman.

Dagdag pa ni Rasheda: “My dad stood for things. Mayweather… I don’t think there’s a comparison.”

Si Muhammad Ali or Cassius Marcellus Clay Jr. ay isa sa greatest heavyweights at most recognized figure in sport’s history.

Ginawaran si Ali ng Sports Illustrated bilang “Sportsman of the Century” at ng BBC bilang “Sports Personality of the Century.”

Si Ali rin ang nag-iisang may hawak ng three-time World Heavyweight Champion na nakuha niya noong 1964, 1974, and 1978.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN