Sharon Cuneta considering to leave the Philippines and retire in the US

Sharon Cuneta reveals one of her reasons why she considers living in the U.S. for good when she retires. “I love the Philippines but maybe it is always in the back of my head that all this gulo in our country might become scary(-ier) na and I fear for my children’s Philippines, their future.”


Nasa Amerika ngayon ang buong pamilya ng Megastar na si Sharon Cuneta upang doon mag-Holy Week.

Biyernes, March 27, nang lumipad sina Sharon papuntang Los Angeles, California, para sa “short vacation” ng kanyang pamilya.

Ngayong Holy Wednesday, April 1, nag-post ng status si Sharon upang ilarawan ang mga aktibidad ng kanyang pamilya sa U.S.

Sabi ng actress-singer, gustung-gusto ng kanyang mga anak ang kanilang tirahan sa Los Angeles, at inaming pinag-iisipan niyang sa Amerika mamalagi balang-araw.

Ayon sa Facebook post ng Megastar: “My babies call this happy place of ours 'home.'

“I must admit that every once in a while, I cannot help but imagine living here also someday... I hope to retire in 4-5 years, and here is one of those places that are in my shortlist for 'back-and-forthing'—or living in na talaga someday... (Aba I can also naman apply for a job at TFC! Hahaha! Basta Kapamilya pa rin!)"

Ani Sharon, pinangangambahan niyang maging mas magulo pa ang sitwasyon sa Pilipinas pagkalipas ng ilang taon.

“I love the Philippines but maybe it is always in the back of my head that all this gulo in our country might become scary(-ier) na and I fear for my children's Philippines, their future.

“I love God, my children, and my country. In that order. I am, after all, their mother, and my commitment is to take care of them as best I can.”

Sinabi rin ni Sharon na kung sinumang administrasyon ang mamuno sa Pilipinas ay alagaan din sana ang mga mamamayan.

“I am still hopeful, though. After all, sino ba ang gustong umaalis ng sarili nilang bansa, right? At napakaganda pati ng bansa natin.

"Sana naman inaalagaan natin, tapos tuwing may pagpalit ng administration, inaalagaan din sana tayo. Nakakapagod na rin minsan... And nakaka-sad...

“Well, let's not underestimate the power of prayer!:-)”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, bukod sa pagkukuwento ng mga ginawa nila sa U.S., nagpasalamat din si Sharon sa mga manonood dahil sa mataas na ratings ng weekend show na Your Face Sounds Familiar, kung saan isa siya sa mga judge.

Ang Your Face Sounds Familiar ang unang programa ni Sharon sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN pagkalipas ng maraming taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN