FIRST READ ON PEP. Mich Liggayu of JaMich reacts to bashing over viral video: “Ipinagdasal ko na lang po lahat ngayon.”

Tumanggi si Mich Liggayu ng JaMich na magpaunlak ng panayam tungkol sa mga bagong kontrobersiyang ibinabato sa kanya. Ipinapasa-Diyos na lang daw niya lahat ng mga pambabatikos sa kanya.


Hindi pa rin humuhupa ang pambabatikos si Mich Liggayu, ang girlfriend ng yumaong si Jam Sebastian at kalahati ng YouTube sensation na JaMich.

Nitong nakaraang Sabado, March 28, may report ang Startalk ng GMA na diumano'y may alitan si Mich at ang ina ni Jam na si Maricar Sebastian.

Read: Jam's mom, Maricar Sebastian, quiet on rumored conflict with Mich Liggayu

Matapos nito, kinunan ng pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mich tungkol sa naging pahayag ng ina ni Jam.

Pero tumanggi siyang magbigay ng reaksiyon at sinabing hindi raw muna siya magpapa-interview.

THE VIRAL VIDEO. Nitong Martes, March 31, isang video ni Mich ang in-upload sa Facebook, kung saan kumakanta siya kasama ang isa pang babae habang makikita naman sa background ang nakaratay na si Jam.

Kuha raw ito noong panahong nag-aagaw buhay si Jam sa ospital

Watch: WATCH: Mich Liggayu of JAMICH under fire for another viral video

Lalong nag-init ang netizens kay Mich kung saan ang ilan sa mga ito ay tinawag pa siyang "b*tch."

Muling nakipag-ugnayan ang PEP kay Mich tungkol sa video.

Pero sabi niya, “Ayaw ko po muna makipagsabayan sa gulo nila.”

Magbibigay raw siya ng interview kapag "tama na ang panahon."

Mensahe pa niya sa mga bumabatikos at patuloy na bumabatikos sa kanya:

“Ipinagdasal ko na lang po lahat ngayon. Nili-lift up ko na lahat kay God. Siya na po ang bahala sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN