Matet de Leon quashes notion of John Rendez being after Nora Aunor’s money: "...hindi naman lagi ay mayaman si Mommy, ’di ba?"

Matet de Leon has long accepted the ’relationship’ of mom Nora Aunor and John Rendez. She says, "Si Kuya John naman, kung ano naman ang nangyari kay mommy, ’di naman niya iniwan."


Kung anuman ang estado ng relasyon nina Nora Aunor at John Rendez, tanggap daw ito ni Matet de Leon, na isa sa mga anak ng superstar ng Philippine cinema.

Buhay naman daw ito ng kanyang ina, at mahaba na rin ang panahong pinagsamahan ng dalawa.

Bungad ni Matet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Si Kuya John naman, kung ano naman ang nangyari kay mommy, 'di naman niya iniwan.

"Puwedeng sabihin ng iba na pera lang ni mommy ang habol niya, pero hindi naman lagi ay mayaman si Mommy, 'di ba?

"Na nag-uumapaw ang anda [pera] niya, hindi naman laging ganun, nandiyan pa rin siya, bakit kaya?

"So yun na lang ang iniisip ko."

Pagdidiin pa ng InstaDad star, "Yun na lang ang ano ko, hindi naman niya iniiwan.

"Sa tingin ko, okay naman sila. Wala naman akong magagawa din.

"Kung hindi ko siya type, wala naman akong magagawa, kasi gusto siya ni mommy na kasama."

Malaking bagay din daw na mahal ni Ate Guy ang asawa ni Matet na si Mickey Estrada.

Dahil dito, wala siyang rason para kontrahin ang samahan nina John at Nora na pinanday na rin ng maraming taon.

Aniya, "A, oo, love niya si Mickey. Mas mahal niya si Mickey kaysa sa akin. Charot!

"Pero siyempre, love din niya ako at ang mga apo niya."

Kadalasan nga raw ay gusto nitong magpalambing sa kanyang mga apo.

Ani Matet, "Si Mommy, gusto niya talaga ang magpalambing.

"Kami, sa mga anak niya, hindi kami lumalapit.

"Ngayon, yung mga anak ko, lumalapit sa kanya. Kahit ano ang nasa mukha ng nanay ko, hahalikan talaga siya ng mga anak.

"So tuwang-tuwa ang mommy ko.

"Natutunaw ang puso niya, gustung-gusto niya yun."

ATE GUY'S DEATH THREATS. Samantala, ikinuwento sa amin ni Matet yung problema ni Nora sa lupa, kung saan nakatanggap ito ng death threats mula sa hindi nila kilalang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inayos na yun ni Mickey [yung problema sa lupa], kaya lang, maraming proseso 'yan, e.

"Naiisip na rin 'yan ni mommy, siguro dahil nagkakaedad na rin siya.

"Ayaw din niya sigurong mapunta at masayang ang mga ginawa ng lola ko para sa kanya, yung mga ipunandar ng lola ko.

"Hindi ko lang type yung threats sa kanya."

Dugtong pa niya, "Nakakatakot siyempre, nakakatakot!

"Wala rin kaming magagawa, pero Diyos ang bahala. Hindi naman niya pababayaan si Mommy.

"Si Mickey kasi, pumunta ng 2012 dun sa Bicol, alam niya lahat ng mga nangyayari dun.

"Alam niya na yung mga magsasaka na nakatira dun sa lupa ni mommy, takot dun sa pinsan ni mommy.

"Takot, kasi nananakit daw, sabi ng mga magsasaka.

"So ngayon, naaawa kami."

Kaya nga raw, inaayos na ng kanyang mister ang lahat.

Sabi pa ng 31-year-old actress, "Ang ginawa ni Mickey, 'di ba, binigyan siya ng budyey [budget] ni mommy, nilibre niya ang mga magsasaka.

"Ito namang mga magsasaka, ang babait, binigyan siya ng libreng buhay na manok, gulay.

"Kawawa sila sa kamay ni Kuya, 'di ko alam kong tiyuhin ko yun.

"Ang nakakaloka, nang pumunta dun si Mickey, yung pinsan ni mommy, 'di nagpakita.

"Ang mga titulo na kay mommy lahat, nakita ko mga yun, e, nakita ko nung ibinigay ni mommy kay Mickey."

Hindi raw makuha ni Matet kung bakit kelangang magkaroon ng ganung alingasngas.

"...Alam niyang kay mommy yun.

"Kung sakaling mapunta sa amin yun, 'di ko pababayaan yung mga magsasaka, kawawa naman, 'di ba?"

PREGNANCY. Samantala, limang buwang buntis ngayon si Matet na pangatlong anak na niya.

Marami ang nagsasabi na isa ang marriage nila ni Mickey sa pinaka-successful ngayon sa showbiz.

Pagmamalaki niya, "Okay kami ni Mickey, masaya naman kaming magkasama. Sa ngayon, ha? Bukas, 'di natin alam."

Dugtong niya na may halong biro, "'Yan naman ang laging sinasabi ko, 'Bukas, 'di ko alam baka hiwalay na kami bukas.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala kaming masyadong fights.

"Yun nga nagiging problema, wala kaming masyadong away.

"So 'pag nag-away kami, hard."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN