Miguel Tanfelix clarifies holding-hands sighting with Bianca Umali: "...as a gentleman, inaalalayan ko si Bianca."

Miguel Tanfelix on real score with Bianca Umali: "Malalim na talaga as in super deep. We’re special friends."


This summer daw ay balak isama ni Miguel Tanfelix ang pamilya ng kanyang ka-loveteam na si Bianca Umali sa kanilang family outing.

Kuwento ni Miguel nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng MyPhone Rio 2 kamakailan na ginanap sa Green Sun, Makati City, "Every year kasi pag dumarating yung summer, kadalasan nasa nagbi-beach kami ng family ko.

"Pero depende pa rin kung may trabaho o wala, kasi pag may trabaho, yun muna yung uunahin ko. Sayang naman kasi.

"Pero kung free naman at walang work, baka mag-beach kami.

"Hopefully this year, makapag-beach kami kasi nakasanayan na namin na every year, yun yung routine namin."

At para mas memorable ang kanyang beach trip this year...

"...this time sana, mas magiging iba at espesyal kasi iimbitahan ko yung family nila Bianca na sumama sa family namin.

"Since close naman pareho yung family namin.

"Yun nga lang, katulad ng sabi ko, kapag wala kaming trabaho.

"Pero ita-try pa rin namin maghanap ng pareho naming free day para matuloy.

"Nakaka-excite nga kasi first time na mangyayari ito.

"Pero sa ngayon, plano pa lang, hindi pa rin naman napag-uusapan ng family namin kung saan naman kami magbibeach this year."

REAL SCORE. Pero ano na ba ang estado ng friendship nila?

Diretsong sagot ng binatilyo, "Malalim na talaga as in super deep. We're special friends."

Gaano kalalim?

"Sobrang lalim na sa pinakamalalim, ganun kalalim.

"Walang sukatan, basta sobrang lalim na."

Kung ire-rate ang kanilang friendship in a scale of 1 to 10, ano ang rating niya?

"Siguro, from 1 to 10, mga 11.5, ganun na katindi yung friendship naming dalawa. Sobrang deep na talaga.

"And masaya ako doon kasi, sa palagi naming pagsasama, mas nakikilala namin ang isa't isa at mas nagiging komportable kami sa isa't isa at mas nagiging close kami.

"At habang tumatagal, mas tumataas yung ratio ng friendship namin kasi nga, kami lagi ang magkasama sa mga lakaran at trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaking bagay din daw na magkasundo sila sa ugali.

"'Tsaka yung mga gusto namin, swak na swak sa bawat isa. Kaya naman, sobrang komportable na kami sa isa't isa.

"Kaya naman masaya ako every time na nakakasama ko siya kasi alam kong sa pagsasama namin almost everyday ay may madi-discover na naman akong bago about her."

HHWW. Nakikita raw sila sa labas na magka-holding hands?

"Siyempre as a gentleman, inaalalayan ko si Bianca.

"Hindi lang naman kami yung magkasama. When we go out, kasama namin yung parents namin.

"Siguro lang, hindi lang napapansin ng mga tao kasi kami lang yung nakikita nila.

"Never pa naman kami na umalis na kami lang dalawa, lagi naming kasama yung parents namin."

THANKFUL. Samantala, masaya rin daw siya sa estado ng career nila ngayon.

"Thankful kami sa GMA-7 kasi, nararamdaman namin yung magandang pag-aalaga nila sa amin.

"Happy kami kasi magaganda yung proyektong ibinibigay nila sa amin.

"Kaya naman in return, mas lalo pa naming paghuhusayan yung trabaho namin.

"'Tsaka hindi lahat ng artista nabibigyan ng ganitong chance kaya hindi namin sasayangin yung magandang pagkakataong ito na ibinigay sa amin ng GMA-7."

Ano ang masasabi niya sa bansag niyang Teen King ng Kapuso network?

"Ay naku, hindi naman po!

"Basta ako, wala nang label-label basta kami ni Bianca, ginagawa namin yung work na mabuti.

"Basta sa amin, magtatrabaho nang magtatrabaho lang kami nang maayos.

"Pero if ibibigay nila sa amin yung ganyang tag, thank you sa mga nagsasabi at naniniwala sa aming kakayahan bilang artista," pagtatapos ni Miguel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN