Gabbi Garcia admits Ruru Madrid is special to her, but there’s no MU: "Close lang po talaga kami."

On her 16th birthday, Ruru Madrid gave Gabbi Garcia a necklace that she has worn since. Before that he sent her flowers for 16 days until December 2nd, her birth date, and last Valentine’s Day, he gave her teddy bear and roses. Is he courting her?


Itinanggi ni Gabbi Garcia na may gap sa pagitan nila ni Ash Ortega.

“Ay that is not true at all,” ang natatawang bulalas ni Gabbi.

“Okay kami ni Ash, okay po kami ni Ash. As in we’re good friends.”

Dati kasi sa My Destiny ay may love triangle silang tatlo nina Ruru Madrid, pero ngayon ay bini-build up na ng GMA ang tandem nina Gabbi at Ruru for major stardom through the upcoming series na Let The Love Begin.

“Siguro hindi na po ako yung may sagot diyan. Siguro din may time para sa lahat ng artists.

“And siguro hindi ko rin naman po iyon desisyon, siguro desisyon din po ng viewers, ng management,” pahayag pa ng GMA Artist Center female star.

Mas naunang naging magkapareha at naging close sina Ash at Ruru.

“Alam ko po naging magka-loveteam na rin po sila sa mga past shows, ganyan.”

Pero ngayon ay tila sa kanya na-i-in love si Ruru.

“Hindi naman,” at muling tumawa si Gabbi.

Na inagaw niya si Ruru kay Ash?

“Ay hindi naman po! Hindi naman po.”

THE REAL DEAL. Wala raw silang relasyon ni Ruru, na hindi rin daw nanliligaw sa kanya.

Parang imposibleng hindi siya ligawan ni Ruru. Pareho silang single, maganda si Gabbi, at guwapo si Ruru.

“Bakit naman po?” at muling tumawa si Gabbi.

Noong nakaraang birthday ni Gabbi ay araw-araw siyang binigyan ng bulaklak ni Ruru.

“Hindi ano lang kasi siya, maalaga and thoughtful si Ruru.”

Noong December 2 ang birthday ni Gabbi at 16 days siyang pinadalhan ng bulaklak ni Ruru.

“Kasi magsi-16 po kasi ako nun so 16 days niya akong binigyan ng roses.”

Bukod doon ay binigyan siya ng necklace ni Ruru bilang birthday gift.

“Basta very special necklace, very special necklace.”

Bakit niya nasabing “very special” ang naturang kuwintas?

“Kasi ever since po, hindi ko po siya tinatanggal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin, very special sa kanya si Ruru?

“Oo naman! Special siya sa akin kasi siyempre ka-loveteam ko siya and siya talaga yung pinaka-close ko dito sa showbiz.”

Pero wala raw silang mutual understanding o MU.

“Wala pong ganun. Close lang po talaga kami.”

Noon naming nakaraang Valentine’s Day ay teddy near at roses na may card ang ibinigay sa kanya ni Ruru.

So may relasyon na nga sila?

“Hindi po!”

Ano ang nakalagay sa card?

“Wala. To Gabbi from Ruru!”

May nakalagay bang “I love you!” sa card?

“Wala pong ganun!”

INSTADAD. Samantala, mapapanood si Gabbi (minus Ruru) bilang Marikit sa InstaDADi, kung saan kasama rin si Ash.

Si Ash, bilang si Mayumi, ay ipapareha sa Kapuso hunk na si Juancho Triviño, na gaganap bilang si Dwight.

Ipapalabas ang InstaDAD, na pagbibidahan ni GabbyEigenmann, simula ngayong Linggo, April 5, at 4:30 p.m.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN