Singer Joey Albert battles colon cancer anew

Nananawagan ng dasal ang mga kaibigan ng singer na si Joey Albert para sa tuluyang paggaling nito. Sumailalim sa operasyon si Joey dahil sa colon cancer noong March 27.


May panibagong pagsubok na kinahaharap ang singer na si Joey Albert—ang pagbabalik ng kanyang colon cancer.

Matatandaang noong 1995 ay matagumpay nang nalabanan ni Joey ang cervical cancer.

Ngunit na-diagnose naman siya na may colon cancer noong 2003. Gumaling siya matapos ang isang matagumpay na operasyon noong Hulyo ng taon ding yun.

At pagkalipas ng labinlimang taon ay nag-recur ito.

Nitong nakaraang March 26, isang post sa Facebook fanpage ang ibinahagi ng admin nito, kung saan ibinalitang sasailalim sa isang surgery si Joey dahil sa kanyang karamdaman.

Nakasaad dito:

“Dear friends of Joey,

“On January 28, 2015, Joey's medical tests confirmed that her colon cancer had recurred. Please join us, her Facebook administrative team, in praying for her successful surgery tomorrow, March 27th.

“Let's claim another victory over cancer for our beloved Joey!

“Thank you,
“Admin.”

Thursday, 2:07 pm Manila Time)Dear friends of Joey,On January 28, 2015, Joey's medical tests confirmed that her colon...

Posted by Joey Albert on Wednesday, March 25, 2015

Bumuhos ang maraming dasal sa post na ito sa Facebook.

Noong March 27 naman ay nag-post sa Instagram ang anak ni Joey na si Trixie Pacis ng larawan ng singer bago ang kanyang operasyon.

Kinabukasan, March 28, ay nag-post muli ng larawan si Trixie at sinabing naging matagumpay ang operasyon ni Joey.

Ilan sa mga pinasikat na awitin ni Joey ay ang mga sumusunod: "Tell Me", "A Million Miles Away", "Points of Views" (duet with Pops Fernandez), "Yakapin Mo Ako", at "Ikaw Lang Ang Mamahalin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN