KC Concepcion gushes over “epic pre-birthday” treat from stepdad Senator Kiko Pangilinan

Megastar Sharon Cuneta and her entire family flew to the U.S. for a short break this Holy Week. Senator Kiko Pangilinan, Sharon’s husband, threw a surprise pre-birthday celebration for stepdaughter, KC Concepcion, who is turning 30 on April 7.


Isang pre-birthday celebration sa isang magarbong venue sa Los Angeles, California ang inorganisa ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan para sa kanyang stepdaughter na si KC Concepcion.

Ipagdiriwang ni KC ang kanyang ika-30 na kaarawan sa darating na April 7.

Si KC ay anak ni Sharon kay Gabby Concepcion.

Nasa U.S. ang buong pamilya ni Megastar Sharon Cuneta para magbakasyon ngayong Semana Santa.

April 4, Sabado sa Pilipinas, nang mag-post si KC sa kanyang Instagram account ng photo collage ng ginawang selebrasyon para sa kanyang kaarawan.

Kita rin sa larawan ang mahigpit na yakap niya kay Senator Kiko.

Sabi ni KC sa caption: “When you have the private room, fireplace and beachfront patio all to yourselves, you know it's gonna be worth it. Thanks dad [Sen. Kiko] for this epic pre-birthday dinner."

Pinasalamatan din ni KC ang kanyang ina na siya raw pumili ng lugar.

Sa kanyang Facebook account naman, nagbalik-tanaw si Sharon nang ipagbuntis at ipanganak niya si KC.

Sabi ni Sharon sa kanyang Facebook post nitong April 5, Sunday, “HAPPY EASTER, EVERYONE! KC's turning a year older on April 7. I gave birth to her on Easter Sunday when I was 19. Still can't believe how time flies.

“She and my other babies are much bigger than I wish they were! Lalo na my Easter baby.

“Thank you, heavenly Father, for my children.

“For KC's life and the lives she has touched.

“Thank You, Jesus, for Easter. All glory be Yours, always. Praise God!”

Bukod sa pamilya ni Sharon, kasama rin nila sa nasabing trip ang ilang kamag-anak at kaibigan ng kanilang pamilya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN