LJ Reyes travels solo to Seoul, Korea for Holy Week break

LJ Reyes on the joys of traveling solo: “It’s been a dream of mine ever since. I didn’t have the courage and the chance lang. Turistang-turista and I felt so independent. First time ko ring gumawa ng itinerary, nakakatuwa.”


Kadarating lang ng Kapuso star na si LJ Reyes mula sa kanyang solong pagbabakasyon sa Korea.

Tinawag niya sa kanyang Instagram account na #SoulfulSoul #GoingSeoulO #MommyDiaries at #MommyMeTime.

Noong April 2, Huwebes Santo, umalis si LJ na mag-isa papuntang Korea. Ayon sa aktres, isa raw talaga sa mga pangarap niya ang maranasan magbiyahe sa labas ng bansa nang mag-isa.

THE JOYS OF TRAVELING SOLO. Ayon kay LJ, kalalapag lang daw ng eroplanong sinakyan niya kaninang umaga nang magpadala kami ng message via Facebook.

Kinumpirma nga niyang mag-isa lang siyang nagbakasyon ngayong Holy Week.

“I traveled alone. It’s been a dream of mine ever since. I didn’t have the courage and the chance lang.

“Since Aki [her son] will be staying with Paulo [Avelino], I decided to go on a trip alone. Super sarap!” sabi niya.

Natawang kuwento pa niya, "Turistang-turista and I felt so independent.

“It was also nice to meet up with a high school and college friend.

“First time ko ring gumawa ng itinerary, nakakatuwa.”

MEETUP WITH JODI AND SON. Sa Instagram ni LJ, nag-post din siya ng larawan kunsaan kasama niya ang mag-inang Jodi Sta. Maria at ang anak nitong si Thirdy.

“God made this trip possible, I guess. First time ko rin ma-meet si Ate Jodi with Thirdy.

“Nakita niya 'kong nag-post sa IG ko, nag-comment siya na magkita kami, so we did. Ang saya,” natutuwang sabi pa niya.

Three days and two nights daw siya sa Korea dahil bumalik na rin siya ngayon, at bukas daw kasi ay may taping na siya ng panghapong serye niyang Yagit.

Hindi naman nagtatapos ang bakasyon ni LJ ngayong Holy Week dahil sa Miyerkules, April 8, aalis daw siyang muli kasama naman ang buo niyang pamilya at ang anak na si Aki papuntang Japan.

Sabi nga niya, “Excited ako lalo to travel again with Aki. Sana nga laging may time for these things.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN