The Buzz goes off air after almost 16 years

Aminado si Boy Abunda at ang pamunuan ng The Buzz na naiba na ang mundo ngayon ng showbiz news dahil sa makabagong teknolohiya, partikular na ng social media. Makikita sa larawan ang kuha nina Boy, Toni Gonzaga, at Kris Aquino sa last episode ng show ngayong Linggo, April 5.


Pagkatapos ng halos labing-anim na taon sa ere, nagtapos na ang longest-running Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN—ang The Buzz.

Ang kanilang episode ngayong Linggo, April 5, ang huling episode ng show na hinu-host nina Boy Abunda, Kris Aquino, at Toni Gonzaga.

June 1999 ito nagsimulang umere kung saan si Boy ang solong naging host nito.

Kaya naman sa farewell episode nito, minarapat nina Kris at Toni na si Boy ang magbigay ng huling mensahe para sa mga manonood.

Naging emosyunal man si Boy habang nagsasalita, pero hindi siya umiyak.

Panimula ng veteran TV host, “Opo, mga kaibigan, I’m confirming to you that this is our last show.

“April 12, simula next Sunday, wala na po kayong mapapanood na The Buzz, but let me explain...”

Dito ay sinabi ng award-winning TV host na nasasaktan siya sa pagsasara ng kanilang palabas.

Ani Boy, “It’s very painful dahil naging karelasyon namin kayo for 16 years…

"We’ve been together for a long time, and it’s hard, it’s difficult."

THE DECISION TO CANCEL THE SHOW. Bago pa man umere ang The Buzz ngayong araw, may ganitong mensahe na sa Instagram account ng show: “It's gonna be an exciting and difficult episode. Tutok lang, bayan!”

It's gonna be an exciting and difficult episode. Tutok lang, bayan!

A photo posted by THE BUZZ 15 (@thebuzz15) onApr 5, 2015 at 1:02am PDT

Pagpatuloy pa ni Boy, “Pero yung desisyon po na mawala muna pansamantala sa ere ang The Buzz ay isang desisyon na kailangan at tama.

“In denial po ako in the past few days dahil akala ko, 'pag kailangan na tama, hindi masakit.

"Sobrang sakit po."

Binaggit din ni Boy ang VTR (video tape recording) bago pa sila magpaalam kung saan nakadetalye dito ang kanilang pagsisimula, ang pagpasok ng mga bagong co-hosts, ang mga kontrobersiyal nilang naging istorya at panayam, at kung anu-ano pang eskandalo sa showbiz na kanilang tinalakay.

Kaya raw nahirapan siyang magpaalam sa show na aniya’y nagbigay sa kanya ng pangalan at maraming mga karangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Boy, “This is not just about me.

"This is not just about Kris and Toni on The Buzz.

“This is about the writers, producers, segment producers, cameramen.

“Alam niyo po, mga kaibigan, hindi niyo po sila nakikita linggo-linggo, pero I feel for them.”

Dito ay binanggit ni Boy ang maraming taon nilang pinagsamahan at ang maraming parangal na kanilang napanalunan.

Pinasalamatan na rin ni Boy ang mga naging mga kasamahan nila sa show.

Ilan sa naging co-hosts ng The Buzz ay sina Cristy Fermin, KC Concepcion, Ruffa Gutierrez, at Charlene Gonzalez.

Dugtong pa ni Boy, “Ang tanong ngayon, mga kaibigan, ay ganito: E, bakit ba kayo magpapaalam?

“E, bakit ba kayo mawawala sa ere kahit pansamantala lamang?

“Why are you being cancelled? Why are you going off the air?

“Ito ho ang paliwanag mga kaibigan...

“Nagbago na ho kami.

"Yung aming mga writers ngayon ay headwriters na. Yung mga headwriters po ay creative managers na.

“Yung aming mga executive producers ay mga business unit heads na, ay head na ng ilang department dito sa ABS-CBN.

“We have evolved into different people today.

“Naiba na po ang maraming bagay.

"Nagbago na po ang mga tao sa likod ng The Buzz.

"Pati kayo po ay nagbago na.

“Kung noon po ay 20 years old, ngayon kayo ay 36.

"Kung noon ay dalaga, ngayon ay may asawa na.

"Kung noon may anak, siguro ngayon ay lola na.

“Kung noon ay 50, ngayon ay pushing 70.

“A lot of things have changed with you.

“Idagdag natin diyan mga kaibigan yung pagbabago ng pamamaraan ng ating pag-uusap.

"Noon ang panliligaw ay personal, ngayon ay puwede ng text.

“Ang mga OFW families ay Skype na kung mag-usap.

“In other words, marami na ang naganap sa mundong ito. The world has changed.

“At ang pamamaraan ng news reporting, and that includes showbiz news reporting, ay nabago na rin po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito ang dahilan kung bakit pansamantala kami ay mawawala sa ere.

“We want to take a few steps backward para makita namin nang mas malinaw kung sino kami, nasa'n kami at nasa'n na po kayo.

"Para sa aming pagbabalik ay isang malaking pagbabago po ang iyong aabangan.

“I know this is a logical explanation. I know this makes a lot of sense, but it hurts.

"Because it hurts to say goodbye."


SHOWBIZ NEWS HERE TO STAY. May pahiwatig naman si Boy na mawawala man sa ere ang The Buzz, maaaring magbalik sila sa ibang pangalan, magkasama man silang tatlo nina Kris at Toni, o individually.

Saad niya, “Pero ito po ang aming pangako, mawawala man ngayong araw ang The Buzz, magbabalik po kami.

"Because showbiz news [is] here to stay.

“And the talk show genre is here to stay.

“Maaaring we will come back individually or as a group, hindi ko po alam… but showbiz news, the talk show genre is not going to die.

“It’s going to continue. At magbabalik po kami.

“Yun po ang dahilan kung bakit napagkaisahan naming lahat, na it’s the best way to stop today.

“And then come back stong and be the best of what we can be.”

Bago magtapos sa kanyang mensahe may isang kasabihang ibinahagi si Boy: "Don’t cry because it’s over, smile because it happened."

Dagdag niya, “Maraming salamat, Pilipinas, at buong mundo for making Buzz happen.”

ABS-CBN STATEMENT. Ayon naman sa pahayag ng pamunuan ng ABS-CBN, kailangang makipagsabayan at i-reinvent ng The Buzz upang makapagsimula ng mas maganda pang showbiz talk show.

Narito ang buong pahayag ng istasyon:

ABS-CBN STATEMENT ON THE BUZZ

A photo posted by EJS (@ericjohnsalut) onApr 5, 2015 at 2:24am PDT

IT'S BOY ABUNDA... AGAIN. Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang mapagkakatiwalaang source, babaguhin ng ABS-CBN ang format ng kanilang Sunday showbiz talk show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magpapahinga raw muna ito ng ilang buwan bago magkaroon ulit ng Sunday showbiz talk ang ABS-CBN.

Masyado na raw kasing luma ang format ng The Buzz.

Si Boy pa rin daw ang magiging main host, pero hindi pa alam kung may mga kasama siya.

At kung mayroon man daw, hindi pa rin alam kung ilan at kung sinu-sino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN