Max Collins downplays her chances of bagging Marimar role: “Feeling ko may napili na.”

Max Collins downplays her chances of bagging Marimar role: “Feeling ko naman, I’m not good enough, but if ever na ako, siyempre nakakatakot yun kasi maku-compare ka sa dating bida. Saka yung pressure, laking pressure nun. Baka kasi ’di ko maabot yung expectations ng ibang tao, yun ang nakakatakot.”


Naging usap-usapan ang pagpu-pose ni Max Colllins bilang cover girl sa nakaraang 15th anniversary ng men’s magazine na FHM Philippines. Done in good taste, lumabas dito ang kaseksihan ng magandang aktres na dati'y natatago dahil sa wholesome image ni Max.

Pero positibo man ang feedback ng marami, sa interview ng PEP.ph sa mestisang aktres ay inamin nito na hindi siya handa kung saka-sakaling alukin siyang mag-pose muli ng nasabing men’s magazine, dahil gusto niyang bumalik muli sa wholesome roles.

Ayon kay Max, “Dati sinabi ko oo, pero pinag-isipan ko uli na baka 'wag muna kasi masyado na yun, baka ma-overexpose ako, wala ng mystery.

“Baka ang maging tingin sa akin sexy star na, e, ayoko din naman nun. Iniiwasan ko yun kasi gusto kong bumalik sa mga roles na pambata.

“Na-realize ko lang 'to nung Magpakailanman taping ako with Rodjun [Cruz] kasi parang teacher ako dun.

“Maganda ang mga feedback sa role ko, sa Inamorata din mas maganda yung feedback kaysa sa show ko ngayon.

“Parang mas nagre-register ako 'pag wholesome ako, 'pag mas pambata ang mga palabas," sabi ni Max.

“Yun ang napansin ko, so gusto kong bumalik sa ganung roles, mga inspirational roles. Gusto ko ring ma-please yung mga fans ko na bata.

“I love FHM naman, I’m not closing any door, pero right now, I’m not yet ready.”

GRATEFUL FOR FHM EXPOSURE. Para kay Max, bagamat gusto niyang balikan ang kanyang wholesome image, napakalaki raw ng naitulong sa kanya ng pagpu-pose niya sa FHM.

“Marami ang nagtanong kung bakit kasi wala yun sa image ko, pero naiintindihan nila na minsan dumarating yung point na kailangan din ng change.

“Feeling ko kasi mas dumami yung mga lalake na followers ko, mga fans ko.

“Dati kasi feeling ko nai-intimidate siguro yung mga lalake sa akin, mestiza ako 'tapos inglesera pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Since nag-FHM ako mas relaxed ang mga lalake to approach me. Mas comfortable na sila ngayon sa akin," aniya.

“Mas confident ako sa sarili ko na kailangan kong panindigan ang ginawa ko, in a sense na mas nag-mature ako kasi 'di puwedeng parang pa-nene pa rin ako kasi kailangan kong mag-mature.

“Kahit 'di ko masyadong napaghandaan yung pictorial, 'di ako nakapag-workout masyado, sabi ko ako na lang ang magre-represent ng mga babaeng normal—yung babaeng wala pang abs o 'di masyadong toned ang katawan pero parang feminine lang.”

NOT ASPIRING FOR MARIMAR ROLE? Matunog ang balita na si Megan Young ang gaganap sa panibagong remake ng Marimar, na matatandaang huling ginampanan ni Marian Rivera.

Nang tanungin namin si Max kung bukas ba siya sa posibilidad na gampanan ang nasabing role kung saka-sakaling ialok sa kanya, aminado ang aktres na alam niyang hindi talaga mapupunta sa kanya ang role na ito ng GMA.

Mabilis niyang pag-amin, “Ay, hindi po.

“I’m sure 'di ko makukuha ‘yan.

“Dream role ko rin to do a Mexican telenovela pero feeling ko naman, I’m not good enough but if ever na ako, siyempre nakakatakot yun kasi maku-compare ka sa dating bida.

“Saka yung pressure, laking pressure nun. Baka kasi 'di ko maabot yung expectations ng ibang tao, yun ang nakakatakot.

“Masasaktan ka lang, malulungkot ka lang sa mga comments ng mga tao. 'Ay, hindi ka kasing galing ni Thalia o ni Marian.' Siyempre masakit yun.

“Feeling ko may napili na.”

Regular na napapanood si Max sa seryeng Kailan Tama Ang Mali kasama sina Empress Shuck at Geoff Eigenmann. Masaya naman siya sa kanyang exposure dito at siniguro rin niyang mas maraming dapat abangan dito.

“I have Kailan Tama Ang Mali. Maganda na yung story, paganda siya nang paganda.

“Lumabas na yung climax na alam ko na may kabit ang asawa ko—si Empress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan abangan ng mga viewers kung ano ang gagawin ko—ipaglalaban ko ba o aalis na ako sa bahay namin?

“Sana ma-extend kasi yun ang gusto naming mangyari sana. Pinagdarasal namin na ma-extend,” panalangin niya.

ON LOYALTY AND TRUST. Dahil tumatalakay ang kanyang pinagbibidahang serye tungkol sa loyalty at fidelity sa isang relasyon, para kay Max ay napakahalaga ng mga ito para maging matagumpay ang isang relasyon.

“Trust ang pinakaimportante sa lahat kasi pag wala kang tiwala sa ka-partner mo, para saan pa yung relasyon ninyo, 'di ba?

“Dapat best friends kayo, dapat lahat nasasabi mo sa partner mo. 'Pag walang tiwala, walang sense yung relationship.

“Wala na, unless kaya mong patawarin pero alam mong nandun pa rin yung sugat, so mahirap talaga magpatawad kapag may iba.

“Siyempre 'pag may problema kayo, kaya yung ayusin, unlike kapag may kabit o third party, mahirap nang ayusin yun kasi ibig sabihin 'di ka niya ganun kamahal. Saka nasira na yung trust.”

TOO BUSY FOR LOVE? Balita na pinahinto na sa panliligaw sa kanya ang aktor na si Pancho Magno. Klinaro naman ni Max na hindi niya binasted ang aktor, pero naintindihan naman nito na mas prayoridad niya sa ngayon ay ang kanyang career.

Kuwento ni Max, “Mabait si Pancho, loyal siya. Ipinakita niya sa akin na mabait talaga siyang tao, he’s a very good person.

“Kasi inuuna ko yung work ko, kasi alam ko na kapag naging kami, mahihirapan ako. Wala akong time masyado.

“Siyempre 'pag may relationship kayo, kailangang unahin mo yung partner mo.

“He’s very simple, yung gusto niya yung regular relationship.

“'Di naman binasted pero understood naman. Hindi ko naman sinabi out loud na ganito pero naiintindihan naman niya kasi sinabi ko naman sa kanya na ang priority ko is my career.

"'Di niya rin makukuha sa akin yung normal na relationship. 'Di normal yung trabaho ko, yung hours sa taping mahaba, parang palaging walang time lalo na pag marami kang work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala akong time para sa sarili ko, kulang na kulang ang time ko for myself.”

Pagpapatuloy pa niya, “Friends naman kami, nag-uusap naman kami. Maghintay muna siya, parang ganun kasi 'di pa panahon.

“May chance naman, nag-date naman kami kaya lang hindi lang fair sa kanya kung wala 'kong time to be there palagi.

“Tanggap naman niya kasi mabait siyang tao, dun ko nakita na di pa ako ready.

“Yung schedule ko kasi, 'di ba kapag in a relationship ka kasi dapat ikaw din mag-effort ka rin, wala akong panahon para mag-effort dahil wala akong time."

Siniguro din ni Max na kung saka-sakaling manligaw sa iba si Pancho ay hindi siya masasaktan o magtatampo dito.

“Oo naman, wala akong karapatan na pigilan siya,” dagdag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN