Mikael Daez on his easy rapport with loveteam partner Andrea Torres: “I guess may chemistry kami talaga ni Andrea.”

Mikael Daez on the success of his tandem with Andrea Torres: “Now that we are on our fourth teleserye as a loveteam, nandiyan pa rin ang mga fans namin and the network is full of support sa tambalan namin. So we are definitely doing something right sa trabaho namin as a loveteam.”


Muling pumirma ng two-year exclusive contract with GMA-7 ang aktor at TV host na si Mikael Daez.

Four years nang Kapuso si Mikael at masaya siya sa mga projects na binibigay sa kanya.

Ang ikinakatuwa pa ng aktor ay hindi lang siya sa mga teleserye inilalagay kundi pati na rin sa sitcoms, gag shows at sa news and public affairs programs.

Sa ngayon ay napapanood si Mikael sa Ismol Family, Bubble Gang at sa kanyang segment na “Midnight Express” sa news program na Saksi.

“It’s no secret that I’m very, very happy with GMA.

“I’ve been a Kapuso for four years and they have given me such amazing breaks.

“I remember, the first thing I promised nga when I did my first contract signing was that I will try to improve and keep getting better, and show them something new with each project.

“I’m happy. I think I feel like I’ve done that and you know, I’ve segued, then grown from being an actor to hosting a food show and a travel show.

“I’ve also done comedy, a gag show, a sitcom, and I’ve done movies.

“I would like to think that they were very happy with the work that we did and I would like to think that the projects were very successful, a lot of them are still running up to now,” pagmamalaki niya.

Naganap ang contract signing last March 25 sa GMA Network Center.

Present ang mga big boss ng GMA-7 na sina GMA Senior Vice President for Entertainment, Lilybeth G. Rasonable; GMA Vice President for Entertainment, Marivin T. Arayata; GMA Vice President for Drama, Redgie A. Magno; GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions, Gigi Santiago-Lara; GMA Assistant Vice President for Drama, Cheryl Ching-Sy; GMA Artist Center Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit, Simoun F. Ferrer; at Program Manager, Cecille de Guzman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TANDEM WITH ANDREA STILL GOING STRONG. Huling napanood si Mikael sa teleseryeng Ang Lihim Ni Annasandra, kunsaan katambal niya si Andrea Torres.

Muli silang magtatambal sa panibagong teleserye at kukunan ang ilang eksena sa bansang Cambodia.

Ngayong buwan ng Abril sila lilipad doon ni Andrea at magtatagal sila roon ng 20 days.

Ito ang magiging ika-apat na tambalan nina Mikael at Andrea. Una silang nagtambal sa Sana Ay Ikaw Na Nga noong 2012. Nasundan ito ng With A Smile at Ang Lihim Ni Annasandra.

Kahit nali-link si Mikael kay Megan Young at si Andrea naman kay Sef Cadayona, tinatangkilik pa rin ang kanilang loveteam ng kanilang mga loyal fans.

“I guess may chemistry kami talaga ni Andrea.

“Sinabi naman namin noong umpisa pa lang that we will make our team up work kahit sino pa ang ma-link sa amin romantically.

“And now that we are on our fourth teleserye as a loveteam, nandiyan pa rin ang mga fans namin and the network is full of support sa tambalan namin.

“So we are definitely doing something right sa trabaho namin as a loveteam,” natutuwa niyang pahayag.

TRIP ABROAD WITH MOM. Bago dumating ang Holy Week ay niregaluhan ni Mikael ang kanyang ina ng isang trip to New York.

Matagal na raw kasi niyang gustong bigyan ng isang 'di makakalimutang regalo ang kanyang ina.

“We were there for five days. I had so much fun kasi it was my first time to give my mom such a big gift.

“First time for us to travel together—just me and her, so it was nice.

“That is my gift to her because of all the blessings na dumating sa akin for the past four years with GMA-7,” lahad niya.

HOLY WEEK VACATION. Kakabalik lang ni Mikael galing sa Baguio City; doon siya nagbakasyon noong Holy Week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For the past three years, lagi akong nasa Zambales for Holy Week.

“This year, nag-iba ako ng location ng bakasyon ko and Baguio was the perfect place,” pagtapos pa ni Mikael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN