Anne Curtis posts touching message for sister Jasmine: "I’m so proud of the young woman you have become..."

Through her Instagram account, Anne Curtis greets younger sister Jasmine on her birthday and says, “I’m so proud of the young woman you have become and everything you have achieved so far.”


Nagbigay ng kanyang birthday message si Anne Curtis para sa nakababatang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith sa pamamagitan ng Instagram.

Si Jasmine ay nagdiriwang ng kanyang ika-21 kaarawan ngayong Lunes, April 6.

“I can't believe you're 21 today!!!! Happy Birthday my baby love,” simula ni Anne sa kanyang birthday message para kay Jasmine.

Dagdag pa ng Kapamilya actress-TV host, “I'm so proud of the young woman you have become and everything you have achieved so far.”

Tiniyak din ni Anne na mananatili siyang nasa tabi ni Jasmine kung kakailanganin niya ito.

“This is just the beginning of a beautiful journey for you.

"It may not be an easy one and you may have a couple of bumps in the road but know I will ALWAYS be at your side... to hold your hand when the going gets tough, hug you when you cry, be your hype girl when you're nervous, the best listener when you need to vent, carbo load pig out partner, secret keeper, protector and laughing buddy under the sun. Ate loves you so much.

“Happy Birthday Jazzy!”

SISTERS’ VACATION. Samantala, sa katatapos lang na Semana Santa, nagbakasyon sa labas ng bansa ang magkapatid.

Si Anne ay nagtungo sa Nepal kasama ang boyfriend niyang si Erwan Heussaff. Nanatili sila rito sa loob ng limang araw.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Anne ang kanyang pagkamangha sa mga tanawin at karanasan sa bansang ito sa South Asia at sinabing babalik siya rito.

Samantala, si Jasmine naman ay nagpunta sa Thailand, at doon na rin niya sinalubong ang kanyang kaarawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN