Bukod kay Angelica Panganiban, may isa pang Kapamilya star na naging biktima rin ng hacking sa social media—ang young actor na si Daniel Padilla.
Kaagad namang inalerto ng ka-loveteam at rumored girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo ang lahat tungkol sa pagkaka-hack ng Instagram account ng young actor, sa pamamagitan ng Twitter account ng young actress, ngayong Lunes ng umaga, April 6.
ATTENTION EVERYONE‼️ @imdanielpadilla's INSTAGRAM account has been hacked. Please disregard any posts until further notice. Pls spread
— KATH (@bernardokath) April 6, 2015
Pati ang kaibigan at kabanda ni Daniel na si Lester Giri ay nag-post sa Twitter tungkol sa pagkaka-hack ng Instagram account ni Daniel.
Guys na hack na naman ang Instagram ni @imdanielpadilla at eto ang proof. Please beware kay Jd Baltazar pic.twitter.com/lmVewJ2fAK
— L.G (@imlestergiri) April 6, 2015
Pabalik pa lamang ng bansa sina Daniel at Kathryn mula sa kanilang One Magical Night 2015 Tour sa Amerika.