Newbie singer Neo Domingo on rumors linking him to Mich Liggayu: "Hindi naging kami at magiging kami kailanman."

"And for the record, hindi kami ni Mich. Hindi naging kami at magiging kami kailanman," said Neo Domingo about his rumored romantic relationship with Mich Liggayu.


Muling itinanggi ng baguhang singer na si Neo Domingo ang balitang may relasyon sila ni Mich Liggayu, ang kalahati ng YouTube sensation na JaMich.

Si Mich ang girlfriend ng yumaong si Jam Sebastian.

Sa kanyang Facebook fanpage noong Biyernes, April 3, iginiit ni Neo na wala silang relasyon o naging relasyon ni Mich.

“WALA NA AKONG MAGAGAWA sa mga taong walang alam sa katotohanan at naniniwala sa mga peke at malisyosong blogs at tsismis.

"Mas marami akong mas mabuting dapat pagtuunan ng pansin.

"And for the record, hindi kami ni Mich. Hindi naging kami at magiging kami kailanman."

Una nang nilinaw ni Neo ang isyung nag-uugnay sa kanila ni Mich sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na lumabas noong Marso.

Pareho raw niyang kaibigan sina Mich at Jam.

Sabi pa ni Neo, “'Di ko alam kung saan nanggaling yung isyu, baka na-misinterpret lang.”

Read: Newbie singer Neo Domingo denies rumored romance with Michelle Liggayu

Kaugnay nito, pinabulaanan din ni Neo ang diumano'y pag-amin niya sa Facebook ng tungkol sa kanila ni Mich, na lumabas sa fake FB account na may pangalang "Neomich."

Itinanggi rin niya ang isang blogpost kung saan umamin diumano si Mich tungkol sa relasyon nila.

WALA NA AKONG MAGAGAWA sa mga taong walang alam sa katotohanan at naniniwala sa mga peke at malisyosong blogs at...

Posted by NEO DOMINGO on Thursday, April 2, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN