Ara Mina and Mayor Patrick Meneses split?

Usap-usapan ngayon ang balitang hiwalay na diumano ang magkasintahang sina Ara Mina at Mayor Patrick Meneses. Bagamat wala pang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol dito, pinabulaanan ng aktres sa isa niyang Instagram follower ang balita.


Bali-balita ngayon ang diumano'y paghihiwalay nina Ara Mina at Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Isang showbiz item ang lumabas sa tabloid na Bandera noong Linggo, April 5, na nagsasabing nauwi na sa hiwalayan ang relasyon nina Ara at Mayor Patrick.

Ayon sa item na ito, naganap ang hiwalayan ng dalawa noong March 22.

Marami ang nagulat sa balitang ito dahil noon lamang March 17 ay magkasama pa sina Ara at Mayor Patrick sa binyag ng kanilang anak na si Amanda Gabrielle.

View: Ara Mina and Mayor Patrick Meneses's baby Amanda Gabrielle baptism

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag sina Ara at Mayor Patrick tungkol sa balitang ito sa pamamagitan ng text message kahapon, April 6. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagot ang sinuman sa kanila.

Samantala, sa Instagram account ni Ara (realaramina), may isang follower ang nagtanong sa aktres tungkol dito.

Sinagot naman ito ni Ara. Aniya, “Thanks for the concern. Pero di po totoo.”

Ngunit ilang sandali lamang ay binura ni Ara ang komento ng nasabing follower.

Paliwanag niya, “I need to erase it coz ayoko po ng negative vibes sa ig ko.”

Ayon naman sa ilang malalapit na tao kay Ara, mukhang totoo ang balita dahil nakapagtataka ang pagiging tahimik ng aktres tungkol sa isyu.

Ganunpaman, mananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais iparating ni Ara o ni Patrick kaugnay ng balitang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN