Paul Soriano wants out-of-the-country honeymoon with Toni Gonzaga: "It’s our first solo trip... far away from Mommy Pinty!"

"It’s our first time to do a solo trip, ‘di ba? So, far away from Mommy Pinty! So they can’t follow. Hindi, joke lang!" says Paul Soriano, who jokingly remarked about much-awaited honeymoon with Toni Gonzaga without any chaperone.


Ngayon pa lang ay excited na si Paul Soriano, 33, sa nalalapit na honeymoon nila ni Toni Gonzaga, 31, pagkatapos nilang maikasal sa June 12.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung saan nila balak mag-honeymoon, sinabi ng direktor na gusto niyang mag-travel sila ni Toni sa ibang bansa.

Pahayag ni Paul, “Anywhere basta outside the Philippines, kasi we haven’t had that opportunity.

"Kami naman, we’re both well-travelled, so importante magkasama kami."

Nakapanayam ng PEP at ibang entertainment reporters si Paul pagkatapos ng presscon proper para sa idinirek niyang pelikula, ang Kid Kulafu, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, Lunes ng gabi, April 6.

Hindi kaila sa publiko na sa loob ng mahigit pitong taong relasyon nila bilang magkasintahan ay nanatiling istrikto ang mga magulang ni Toni, at hindi pinayagan ang actress/host/singer na magbiyahe na silang dalawa lang ni Paul ang magkasama.

Kaya nang ipaalala ng isang entertainment reporter na first time niyang maso-solo si Toni, pabirong sumagot si Paul na sa wakas ay hindi na siya bantay-sarado ng ina ng kanyang fiancée na kilala sa showbiz circles bilang Mommy Pinty.

“It’s our first time to do a solo trip, ‘di ba?

"So, far away from Mommy Pinty! So they can’t follow.

"Hindi, joke lang!” natatatawang pagbawi ni Paul.

Ang totoo ay wala umanong problema sa director/producer kung sakaling sumama ang ina ni Toni sa kanilang honeymoon.

“Okay lang, I’ve learned to accept the fact na marrying Toni means marrying all her family,” sabi niya.

WEDDING DATE. Sa ngayon ay abala si Direk Paul sa Kid Kulafu na ipalalabas na sa April 15, habang si Toni ay kasalukuyang nasa Australia kaya hindi pa nila matutukan ang preparasyon para sa kanilang nalalapit na kasal.

Gaano kaespesyal para sa kanila ang petsang napili nila para sa kanilang pag-iisang dibdib?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sagot ni Paul, “June 12 is gonna be our 8thyear. Independence day is our anniversary.

"Medyo ironic, 'no? So exciting."

Sa tagal ng pinagsamahan nila, natural na sumagi sa isipan ni Paul lahat ng mga masasayang alaala ng kanilang relasyon.

Iba raw talaga ang pakiramdam lalo na noong mag-propose siya kay Toni sa bahay ng mga Gonzaga sa Taytay, Rizal, bandang 12:30 A.M. noong January 21.

“Oo naman [ang daming flashbacks]. I think that happened when I proposed to her in January.

"Of course, lahat ng emotions ko, nandun.

“To propose to a woman, to ask her to spend the rest of your life with her, lahat ng seven years [namin together]...

"So, we’re just gonna plan soon."

Naniniwala si Paul na malaking bagay na sentro ng relasyon nila ni Toni ang Diyos upang patuloy silang maging matatag sa kabila ng mga pagsubok na pinagdadaanan nila.

“Highlight of our relationship? I think faith in God.

“I think that’s the only reason why we’ve been together this long. Yun lang.

"'Cause if it’s just us, wala na.

"If it’s just ourselves, it’s difficult," saad ni Paul.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN