IC Mendoza addresses complaint about his media-relations skills

Humingi ng dispensa si IC Mendoza sa naging pagkukulang niya sa mga press na inimbita nito sa pini-PR niyang beauty pageant kamakailan lamang.


Humingi ng dispensa ang TV host-actor na si IC Mendoza kaugnay ng isyung kakulangan diumano niya ng press o media-relations skills.

May kinalaman ito sa reklamo ng ilang press na inimbitahan ni IC para manood ng isang beauty pageant na pini-PR niya.

Ayon sa report ng isang tabloid columnist kahapon, April 6, hindi raw naalagaan ng TV host-PR man na si IC ang mga press na inimbita nito. Ginutom daw niya ang mga ito at hindi man lang nabigyan ng kahit anong inumin.

Maliban dito, hindi rin daw tinupad ni IC ang pangako nitong babawi sa naturang reporters sa susunod nitong presscon dahil hindi naman niya ito inimbita.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si IC sa presscon ng bago niyang hinu-host na showbiz-oriented show sa TV5, ang Showbiz Konek Na Konek, nito lang din April 6.

Ipinalinaw namin ang ipinupukol na isyu sa kanya.

Noong una ay atubili pa siyang sumagot. Ngunit sa huli ay nagbigay siya ng maikling mensahe sa nagsulat nito.

Pahayag ni IC, “Salamat for taking notice and pasensiya kung ano man yung nagawa ko… pagkukulang ko.

“For me, I guess ano naman... sa showbiz naman, wala naman tayong permanent na kaaway.

“It will resolve in due time.”

SHOWBIZ KONEK NA KONEK. Samantala, ang Showbiz Konek Na Konek ay araw-araw nang napapanood sa TV5, tuwing alas-onse ng umaga.

Bukod kay IC, makakasama rin niya bilang hosts sina Bianca King at MJ Marfori.

Kabilang din sa show bilang segment host ang homegrown TV5 artist na si Nicole Estrada.

Isa raw sa bagong formula ng show para maging up-to-date sa showbiz news ay ang pagiging active nila sa social media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN