Gov. Vilma Santos on her and husband Sen. Ralph Recto’s political record: "We are no saints, but definitely we are not devils."

Batangas Governor Vilma Santos on her duty as a public servant: "Yung pagpapagawa ng school buildings, pagpapagawa ng mga kalye, pagpapagawa ng ospital, hindi po dapat tanawing utang na loob ‘yan. Kasi yung perang ginagastos diyan, hindi naman amin. Buwis ng tao ‘yan, e. ’Yang ginagamit diyan, buwis ng tao. Kaya yung school building... hindi niyo tatanawing utang na loob ‘yan. Obligasyon naming ibigay ito sa inyo."


Sumalang sa isang no-holds-barred interview si Batangas Governor Vilma Santos sa programang Bawal Ang Pasaway, na hinu-host ng batikang komentarista at TV host na si Winnie Monsod, sa GMA News TV 11.

Ipinalabas ang unang bahagi ng interview kay Vilma nitong Lunes ng gabi, April 6.

Dito ay tinalakay ang buhay-pulitika ni Vilma mula sa pagiging mayor ng Lipa City ng siyam na taon (1998-2007) hanggang ngayong huling termino na niya bilang gobernador ng Batangas City.

Unang inusisa ni Winnie kung may balak ba siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections.

Sagot ng actress-politician, “With all honesty, wala pa po akong plano. I may run or may not run anymore.”

Usap-usapan na nililigawan diumano siya ni Vice President Jejomar Binay upang maging running mate nito sa presidential elections sa 2016; si Binay bilang Pangulo at si Vilma bilang Bise Presidente.

Ayon sa survey, si Binay ay nananatiling nasa unang puwesto ng presidentiables, habang si Vilma ay nasa ika-anim na puwesto ng mga posibleng tumakbo bilang bide presidente.

Napag-usapan na ba nila ni Vice President Binay ang tungkol dito?

Tugon ng gobernadora ng Batangas, “Hindi naman, hindi naman po.

“I think, the time when he visited us dito po sa Kapitolyo… ang pinag-usapan po namin yung Housing na pupuwede po niyang maitulong dito po sa Batangas.

“Pero anything to do with politics, hindi namin pinag-usapan.

“Although may mga nanunuksong mga press people, pero hindi naman ini-entertain ‘yon.”

Iginiit pa ni Vilma na hindi binuksan ni Vice President Binay ang tungkol dito sa kanya.

“Hindi po namin pinag-usapan.”

Sa parte naman ng mister ni Vilma na si Senator Ralph Recto ay mas malaki raw ang posibilidad na tumakbo ito muli bilang senador.

GRAFT AND CORRUPTION ISSUE. Diretsahan namang tinanong ni Winnie si Vilma kaugnay ng isyung wala raw nangyayaring proyekto sa Batangas at nangongomisyon daw ang mister niyang si Senator Recto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot dito ni Vilma, “Alam niyo po, lahat naman ng pulitiko, pinagbintangan na po ng ganyan.

“I am not saying that we are perfect, because we are not; or I am perfect because I am not.

“I am no saint, ganun din po si Senador.

“But definitely, we are not devils.

“Hindi namin sinasabing perpekto kami.

"But again, issues na may mga cut sa proyekto, may mga tinatawag na ‘for the boys,’ I think, in a way, nangyayari ‘yan.

“Pero para sabihin po na nang-iisa kami ng mga tao pagdating diyan, I doubt it, hindi po.

“I know my husband.”

Sa kaso niya, may mga nang-akusa na ba sa kanyang kumukuha ng komisyon?

Saad ni Governor Vi, “Knock on wood, huwag naman po… wala naman po.

“I even talked to my people, na sabi ko, ‘I’m not expecting you to be perfect…’ Kasi confrontational po ako, e.

"I’m not saying they’re perfect, na magpaka-perpekto, pero sana lang, ang isang ipinapakiusap ko sa kanila…

“Kaya po open po ang telepono ko. Kahit sinong gusto akong kausapin, open.

“Gusto niyong magsumbong na kayo ay hiniritan, hiningan ng ganito o kinorner kayo, tell me straight.

“Kinukumpronta ko po yung mga tao ko.

“Ayoko pong sabihin na perpekto rin sila kasi ‘di ko po mahahawakan ang mahigit dalawang libong empleyado ng provincial government.

“But I always tell them, 'Yung para sa tao, dapat ibigay niyo sa tao. Huwag na kayong mang-isa.'"

Patuloy niya, “Kasi minsan sa isang proyekto, meron nang sinasabing legal, na sinasabing SOP, o sabihin na nating merong mga 10 percent…

"Sabi nila natural daw ‘yon, alam naman nating ilegal, pero sabi nila, for the boys, legal.

“Pero ang point ko po, kung mayroon na kayong ganyan, make sure na yung para sa tao, ibigay niyo sa tao.

“Kasi, what’s happening, meron na silang cut dun, pagdating pa sa proyekto, dadayain at ibubulsa pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ibibigay na proyekto sa mga tao, walang kwalidad, give it six months, in a year, wasak na yung ginawa nila…”

Sa mga ganitong sitwasyon daw ay hinu-hold ni Governor Vi ang last payment ng mga kontratista at ipinapabago o ipinapaayos ang mga trabaho nila.

“Ang feeling ko po kasi, it’s about time na ibigay naman natin yung nararapat sa tao.

“And I always tell them [her constituents], yung pagpapagawa ng school buildings, pagpapagawa ng mga kalye, pagpapagawa ng ospital, hindi po dapat tanawing utang na loob ‘yan.

“Kasi yung perang ginagastos diyan, hindi naman amin. Buwis ng tao ‘yan, e.

“'Yang ginagamit diyan, buwis ng tao.

"Kaya yung school building... hindi niyo tatanawing utang na loob ‘yan.

“Obligasyon naming ibigay ito sa inyo.

"Buwis ito ng tao, inilalagay namin sa programa, ibinabalik namin sa pangangailangan ninyo.

“Maliwanag ‘yan sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN