Governor Vilma Santos explains source of her wealth

Batangas Governor Vilma Santos: "If I may reiterate, I am not saying we are saints, but definitely we are not devils. So, mahirap pong [magbuhat] ng bangko. Pero one thing I can brag about is, to the last centavo, especially in my case, I know my husband, palagay ko po pinaghirapan namin ‘yan at trinabaho po namin nang maayos."


Sunod na inusisa ni Winnie Monsod sa panayam niya kay Batangas Governor Vilma Santos, para sa Bawal Ang Pasaway, ang yaman o worth ng actress-politician at ng mister niyang si Senator Ralph Recto.

Noong 1992, ang naitalang net worth sa Statement of Assets and Liablilities (SALN) ni Ralph ay P5.2 million. Ngunit noong 2011 ay lumobo na ito sa P211 million.

Mula 2010 hanggang 2013, si Recto ay nasa ikalawang puwesto sa listahan ng pinakamayang senador; ang nasa unang puwesto ay ang mag-asawang Manny at Cynthia Villar.

Ipinapaliwanag ni Winnie kay Vilma kung paano ito nangyari.

Aniya, "Since naging mayor ako, 1998, since 1998 po, nag-joint na po kami."

In other words, talagang mas mayaman siya kay Ralph?

Natatawang sabi ni Vilma, “May ibang business din naman si Ralph!

"At the same time, modesty aside, meron din naman po akong sariling pera.

“Kaya lang, since naging mayor ako, pinagdikit na yung aming mga naiipon, e, kahit papaano po naman, e, posible naman po ‘yan.”

Dagdag pa ng tinaguriang Star For All Seasons, “Ako naman po ay siyam na taong gulang pa lang ay nagtatrabaho na [bilang artista].

"Meron din naman po akong kahit papa’no kabuhayan at sariling naipong pera.

“So, kung pagsasamahin po ninyo ang aming mga income, e, posible naman pong lumaki ng ganyan.”

Ikinasal sina Vilma at Ralph noong December 1992.

Noong 2011 ay naitala bilang pinakamayamang gobernador sa Pilipinas si Vilma; ngunit bumaba siya sa ikalawang puwesto noong 2012 at 2013.

Noong 2013 ay naitala sa SALN ni Vilma na mayroon siyang net worth na P496 million.

Saad ng actress-politician tungkol dito, “Pinaghirapan ko naman po ‘yan, sa totoo lang po.

“Kasi, sa amin pong mga artista, sa totoo lang, lalo na ‘pag umabot ka na dun sa level na after so many years, blood, sewat, and tears na pinaghirapan mo, at dumating ka sa level na you can demand, in a day’s work…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Let’s say a two days’ work, anim na zero na po yun.

"Pag naipon niyo yun at talagang nahawakan mo nang maayos ang pera mo, e, posible ka namang umabot sa ganun."

NOT A SAINT NOR A DEVIL. Masasabi ba ni Vilma na walang kurakutang naganap sa panunungkulan niya bilang mayor at gobernador sa lalawigan ng Batangas?

Pahayag niya, “Alam niyo po, mahirap ding magmalinis.

“Again, if I may reiterate, I am not saying we are saints, but definitely we are not devils.

“So, mahirap pong [magbuhat] ng bangko.

"Pero one thing I can brag about is, to the last centavo, especially in my case, I know my husband, palagay ko po pinaghirapan namin ‘yan at trinabaho po namin nang maayos.”

Sinagot din ni Vilma ang tungkol sa kanyang dalawang dollar accounts.

“Ay, nung time po na kumikita ako, talagang right away, ‘pag meron na po akong kita, magpapapalit ako kaagad ng dolyar.

“Kasi ang feeling ko, for safety net ko yun, e.

“Hininto ko lang po ‘yan nung naging public servant ako.

“Kasi sinabi sa akin ni Ralph, ‘Alam mo ba, Vi, na ‘yang pera mo ‘yang ipinagpapalit mo ng dolyares, pinahihirapan mo ang ekonomiya ng Pilipinas!’

“Na-guilty pa ako! Kaya ako nag-isip noon…

“Part of my learning, when I learned na isa ‘yan sa nagpapahirap sa Pilipinas, sa ekonomiya natin, nang maging public servant ako, medyo… ‘Huwag na lang, bayaan mo na…”

Sundot naman ni Winnie, kapag hiniwalayan daw siya ni Ralph ay ang senador ang magiging dehado.

“It’s his lost!” tawa naman ni Vilma.

Pero bawi rin niya agad, “I love you, Ralph!

"Huwag naman po. Ilang taon na rin po kaming mag-asawa ni Ralph…"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN