Lea Salonga defends The Voice winner Jason Dy over death hoax

Ayon sa Broadway star na si Lea Salonga, “exaggerated” ang mga bali-balitang nasawi na ang The Voice of the Philippines Season 2 grand champion na si Jason Dy.


Naging biktima rin ang The Voice of the Philippines Season 2 grand champion na si Jason Dy ng death hoax, na ikinabahala naman ng kanyang followers kamakailan.

Sa pamamagitan ng social media, ipinabatid ni Jason na walang katotohanan ang car accident hoax at buhay na buhay siya.

Nabahala ang followers ng singer nang sunud-sunod ang tanong matapos umano itong bawian ng buhay dahil sa car accident.

Sa pamamagitan ng Twitter, nilinaw ni Jason ang nasabing death hoax nitong Lunes, April 6:

LEA TO THE RESCUE. Maging ang isa sa mga coach ng The Voice of the Philippines na si Lea Salonga ay ipinagtanggol ang baguhang singer mula sa maling balita.

Nag-tweet si Lea nitong Lunes, April 6, na hindi naaksidente si Jason.

Sunod na tweet pa ni Lea, exaggerated umano ang mga bali-balitang nasawi na ang singer.

Pinasalamatan naman ni Jason ang international Broadway diva sa pagtatanggol sa kanya.

Ang naging coiach ni Jason sa The Voice ay si Sarah Geronimo.

Bago ang pagtatanggol sa kanya ni Lea, ilang beses ding nag-tweet si Jason upang klaruhin ang tungkol sa maling balita.

Nagbiro pa nga ito sa isang tweet na hindi man lang siya nasabihan tungkol sa “pagkamatay” niya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN