IC Mendoza shy about being compared to Boy Abunda: "Wow! Grabe, ang layu-layo pa!"

IC Mendoza is uncomfortable to be hailed as heir apparent to his grandmother, the late Queen of Intrigues Inday Badiday, saying, "Ang sarap pakingggan, pero kailangan po na pagtrabahuan ko ng maayos bago ko i-claim ang title na ‘yan."


Nagbabalik as talk show host si IC Mendoza via TV5’s newest celebrity talk show na Showbiz Konek Na Konek.

This time, ang artistang si Bianca King at showbiz reporter na si MJ Marfori ang mga kasama niya sa show.

Among the three hosts, may advantage na si IC dahil sa seven years niyang experience as talk show host sa maraming showbiz-oriented programs on TV.

“Veteran na ako!” halakhak ni IC.

Ibig sabihin ba, kahilera na niya ang King of Talk na si Boy Abunda sa larangang ‘to?

Reaksiyon niya dito, “Wow! Grabe, ang layu-layo pa!

"But, well, salamat naman dahil isa si Tito Boy sa mga pinaka tinitingala ko sa mga hosts.

“And sana kung suwertihin, kahit half ng galing niya ang mapunta sa akin, sobrang saya na ako.”

Ang lola ni IC ay ang yumaong Queen of Intrigues na si Inday Badiday, kaya heir apparent and royalty of intrigues ang taguri ngayon sa kanya.

Agree ba siya?

“Ay, wow! Ang saya, ang sarap pakingggan!

"Pero kailangan po na pagtrabahuhan ko nang maayos bago ko i-claim ang title na ‘yan.

“Pero ngayon po, haping-happy ako na meron tayong bagong show.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si IC sa presscon ng Showbiz Konek Na Konek noong Lunes, April 6.


LOLA INDAY. Noong buhay pa ang kanyang Lola Inday, nakikita na ba ni IC ang sarili niya bilang isang host sa TV?

Tugon niya, “Actually, nakalagay po ‘yan sa prophecy ko sa yearbook ko noong high school.

“I really wanted to be a talk show host.

"Ipinasulat sa amin yung what you want to be after high school.

“Sinulat ko doon, 'I want to be a TV talk show host or a volleyball player.'”

Impluwensiya ba talaga ng Lola Inday niya ang kanyang pagiging talk show host?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang laking bagay po nila na naka-influence sa akin sa love ko sa talk show, even growing up.

“Pero I don’t see myself any other other way. 'Eto yung alam ko na pinaka gawin.

“Sinuwerte ako na nabigyan ako ng mga projects na, in fairness, I think nabigyan ko naman ng justice.

“Pero going back, hindi ko ma-imagine na… kasi ang balak ko was to work behind the camera or to work sa isang advertising firm, ganoon.

“Noong nag-o-on-cam na ako, ‘Ay, maganda pala ako. Puwede ako pang-on-cam. Puwede pala,’ ganoon.”

Can he say na destiny rin niya ang maging talk show host?

“Well, sana. Sana po tuluy-tuloy.

"But definitely, destined siya, wow!” natawang sagot ni IC.


MORE CHALLENGING. Being the most experienced host sa kanilang tatlo nina Bianca at MJ, mas malaki ba ang challenge sa kanya ngayon?

Ayon kay IC, “Mas challenging po ngayon kasi doon sa mga previous shows, ako yung pinaka-bagets.

“And marami po akong natutunan sa mga kasama ko before.

“Hindi lang po doon sa mga host, pati na rin sa mga staff.

“Ngayon po, it’s gonna be different. Isa na rin po ako sa mga mag-i-spearhead sa show na ‘to.

“Hindi lang po ako ang host dito, open din po sila sa mga suggestions ko pagdating sa mga stories and on how to promote the shows.

“Yun nga, very pressured, but at the same time, very excited.”

Masaya ba siya knowing na siya na lang ang naiwang host from previous showbiz talk shows sa TV5 ngayon?

Aniya, “Happy lang kasi ang tagal ko ring walang show sa kanila, like a year.

“Naging busy din ako sa PR [public relations].

“Pero ngayon, I’m really happy to be back in my element.”


MOMMY DOLLY. Bukod sa kanyang Lola Inday, naging host din ang kanyang ina na si Dolly Anne Carvajal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang sabi ni Dolly sa bago niyang show sa TV5?

Ayon kay IC, “Ang mom, super-natutuwa.

"Hindi siya uma-attend ng presscon pero siya ang unang nagsulat.

“She’s very proud na meron akong bagong show at meron akong mga bagong kasama.

“Very, very proud.”

Kung buhay ngayon ang kanyang Lola Inday, ano ang sasabihin niya rito?

“To my grandma, I hope I’m making you proud.

“Sana nandito ka uli. I know you’re proud of me.

“I know proud siya sa akin kasi ‘yan ang ano ko with my family.

“You don’t have to achieve milestones or kung may maa-achieve kung anuman.

“And ako rin, ganoon ako sa family ko, sa ate ko, sa mom ko.

“Wala kayong kailangang patunayan para maging proud ako sa kanila dahil ngayon pa lang, proud na proud na ako sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN