Jake Cuenca says his girlfriend changed him for the better

Mas naging matibay ang relasyon ni Jake Cuenca sa non-showbiz girlfriend nitong si Sara Grace Kelly dahil sa kanilang bakasyon sa katatapos lang na Semana Santa. Sa pamamagitan ng Instagram, ipinahayag ng aktor kung paano siya binago ng kanyang girlfriend.


Nagkaroon ng quality time si Jake Cuenca at ang girlfriend nitong model na si Sara Grace Kelly nang magpunta sila sa Thailand nitong mahal na araw.

Mukha namang mas tumibay ang relasyon ng dalawa sa kanyang short vacation, kung pagbabasehan ang mga Instagram posts ni Jake.

Ani Jake sa isa sa kanyang recent Instagram posts, naging malaki ang kontribusyon ng kanyang girlfriend upang maging mabuti siyang tao nang wala itong ka-effort-effort.

“It's amazing how someone can change your life for the better so effortlessly. It's like you don't even try you just do,” post ng Kapamilya actor sa Instagram nitong April 7.

“Because that person makes that big of an impact in your life and that same person deserves the best version of yourself.

“This trip has been amazing. It has changed me forever. I can't wait to see you again.”

Sa isa pang post ni Jake noong April 4, Sabado, puring-puri ni Jake si Sara dahil daw, “You make everything even more special...

Pagpapatuloy pa ng post ni Jake, “I know we have our moments but every second with you is Always awesome and amazing. I'm so grateful to be with you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN