Rey Pamaran makes a statement via Instagram post: “I am always at seat 1A. Clouds or none.”

Kaugnay ng nangyaring insidente sa kanila ni Melissa Mendez noong March 20, nag-post sa kanyang Instagram account si Rey Pamaran na aniya ay patunay na lagi siyang umuupo sa 1A.


Sa kanyang Instagram post nitong April 8, Miyerkules, ipinost ni Rey Pamaran ang receipt ng kanyang airplane ticket ng Cebu Pacific kung saan ang pwesto niya ay ang 1A, ang kontrobersiyal na upuan sa eroplano na pinag-ugatan ng away nila ng aktres na si Melissa Mendez noong March 20, 2015.

Mababasa sa nasabing larawan ng resibo ang detalye ng flight ni Rey. May biyahe itong pa-Maynila mula Pagadian City, Mindanao.

Matatandaang ang flight naman kung saan nagkaroon ng away sina Melissa at Rey sa loob ng eroplano ay biyaheng Maynila papuntang Pagadian.

Ang malamang caption ni Rey sa kanyang post, “History does repeat itself. This also shows you that everytime I fly to and fro Pagadian, I am always at seat 1A. Clouds or none.”

Walang-dudang ang post niyang ito ay kaugnay pa rin ng offloading incident na kinasangkutan niya at ni Melissa.

Incidentally, dalawang resibo ang nasa larawan ng Instagram post ni Rey: isa para sa kanya at ang isa ay nakapangalan kay Andrew Wolff, na kasama rin ni Rey at nasangkot sa nangyaring insidente sa eroplano noong March.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN