MJ Marfori thinks new showbiz talk show Showbiz Konek Na Konek will last longer than past TV5 talk shows

"Sa rami ng naging talk shows na nga ng TV5, nasa magandang time-slot kami ng TV5 ngayon na mas kapa na nila kung ano ang totoo. Yung alam na nila kung ano lang ang dapat, ano lang ang dapat gawin," MJ Marfori confidently said about her new showbiz talk show with IC Mendoza and Bianca King, Showbiz Konek Na Konek.


??Totoo ba ??to??? ang natatawang reaksiyon ni MJ Marfori nang lapitan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para makausap at ma-interview sa nakaraang presscon ng bagong talk show ng TV5, ang Showbiz Konek Na Konek na napapanood na simula noong Lunes, April 6 tuwing 11:00 ng umaga.

Kilala kasi si MJ bilang isa sa mga lady TV reporter ng Kapatid network at madalas na nakakasama lang din niya ang mga entertainment press na nag-i-interview.

Pero sa presscon nila noong Lunes, siya na nga ang ini-interview, dahil isa siya sa hosts ng bagong Kapatid show.

Kasama ni MJ sina Bianca King at IC Mendoza bilang co-hosts.

Kuwento ni MJ, pangarap na raw talaga niya noon pa man ang maging isang news reporter.

??Noong high school ako, ginagaya ko si Mike Enriquez, actually, reporting, hosting??actually makipagdaldalan, yun ang pangarap ko,?? natawa niyang sabi.

Napunta siya sa showbiz reporting.

??Sobrang okey sa akin, light and okey yung mga tao. Yun ang mga pinakatotoong makukuha mo. Lahat constructive.??

Ang fiancé naman niya na si Oscar Oida ay sa news reporting naman.

Mas balanse ba sa kanilang dalawa na sa hard news ito at sa showbiz naman siya?

??Oo, kasi nasa news din naman ako and at the same time, may variety ang pinag-uusapan namin. Updated din siya sa mga tsismis bilang mahilig din naman siya sa mga artista.??

COINCIDENTAL. Nagkataon lang daw na nang mamaalam sa ere ang The Buzz noong Linggo, kinabukasan ay ang pagsisimula naman ng bago nilang talk show sa TV5.

Bagama??t inamin ni MJ na alam na niyang mawawala ang The Buzz, talagang nagkataon lang daw na may bago naman silang sinimulan.

??Hindi naman ako nagulat kasi, parang palagi namang two steps ahead ang ABS. Naisip na nila ??yan kung ano ang gagawin nila at saka si Kuya Will [Willie Revillame], ??di ba, papasok na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??Kailangan talaga mag-strategize sila and it??s normal to evolve and I??m sure it??s gonna be better at mas pasabog pa ang ipapalit nila.??

Dugtong pa niya, ??Coincidentally lang talaga na kami naman, nag-start.

??And I think, it??s for the whole industry. Ako kasi, nalulungkot ako kapag may nag-e-end na showbiz related show. Atin ??to, e. Saan pa tayo magsasalita? Ako kasi, mino-monitor ko lahat, binabasa ko lahat.

??So, updated din ako kung umalis sa trabaho si Ganito, so affected ako. At the same time, masaya ??ko na may bago, ito ngang Showbiz Konek na Konek and thank you, Lord, nasama ??ko rito.??

PEOPLE SHE LOOKS UP TO. Tinanong naman namin si MJ kung sino sa mga showbiz talk show host ang pinakagusto niya.

Ayon kay MJ, ??Si Nanay Lolit [Solis]. I mean, Nanay Lolit off-cam. Kung papaano siya, kung papaano siya magkuwento. Talagang ikukuwento niya nang buung-buo, no holds-barred.??

On-cam, sino naman?

??Kung tutularan, siguro yung mga reporter. Kasi, grabe kaya. Grabe kaya tayong magtrabaho. Hindi biro yung ginagawa natin. Lalo na yung mga beterano tulad ni Tito Mario [Dumaual].

??It??s not easy na pagkatiwalaan ka ng mga artista ng tunay na nangyayari sa kanila.

??Grabe yung dedication na ginagawa, it??s a 24/7 thing and kahit na day-off mo, kung may mangyaring balita, pupuntahan mo pa rin.??

WILL IT LAST? Ilang beses na rin sumubok ang TV5 ng showbiz talk show, madalas na nagwawakas din.

Sa bagong grupo nilang tatlo nina IC at Bianca, ano naman ang masasabi niya sa Showbiz Konek na Konek, magtatagal na kaya?

??Sa palagay ko, yes. Sa rami ng naging talk shows na nga ng TV5, nasa magandang time-slot kami ng TV5 ngayon na mas kapa na nila kung ano ang totoo. Yung alam na nila kung ano lang ang dapat, ano lang ang dapat gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??Ito naman, it will run ten weeks and it will have another season, God willing. I think, noong prinisent sa akin ang show na ??to, achieve. Kayang-kayang magtagal siya.??

WORKING RELATIONSHIP WITH CO-HOSTS. Kinumusta rin namin ang working relationship niya sa mga co-host niya na sina IC at Bianca.

Sabi ni MJ, ??Yun nga, kasi, ??di ba si Bianca, ang tahimik niya. Parang nakaka-intimidate sa una. Pero noong mag-banter kami, in fairness hindi siya sumo-showbiz at kinukuwento niya talaga yung nangyari kay Rhian [Ramos] yung mga ganun.

??At seryoso talaga siyang nagno-note taking. Kapag hindi siya updated, itatanong niya talaga. Enthusiastic siya and yun nga, ang laking factor na matalino siya. Anumang maging style niya, it will come naturally in the long run, okey siya.??

Sa isang banda, ilan na rin sa mga naging kasabayan noon ni MJ ay sumubok na sa ibang network.

Pero siya, masasabing nananatili siyang loyal sa Kapatid network.

??Yun nga po, kasi, dito na ??ko lumaki sa TV5. Bago mag-take-over si MVP [Manny V. Pangilinan, TV5 owner], kapapasok ko pa lang nun sa TV5 and I really stayed with TV5. Idol ko si MVP din and inspired talaga ??ko sa kanya.

??I can see his vision and I know that TV5 is a platform that he created with all his companies and I can see yung mga gusto niyang mangyari with sports, news.

??Siyempre noong nag-uumpisa yung TV5, nakita ko rin yung mga struggles ng company. Nakita ko rin yung mga nawala and nakatulong for the company to grow.

??Ngayon, yung TV5, parang baby. Mas nage-gets ko na rin kung sino siya.??

MARFORI-OIDA NUPTIAL. Noong October 25, 2014 sa Bow Bridge, New York City nag-propose si Oscar kay MJ. Sa January 2016 sa San Agustin Church ang kasal nilang dalawa at sa Palacio de Manila naman ang magiging reception.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung meron man daw siyang gustong siguruhin ay yung hindi magugutom ang mga bisita nila.

Isang taon mahigit ang preparasyon nila sa kanilang kasal.

??Nagpa-plan na rin kami para hindi stressful. Baka 300 ang guests, kasama na diyan ang mga ninong, ninang, mga entourage.??

Tinanong namin si MJ kung may artista siyang kukuhanin para maging kabilang sa entourage niya.

Sabi naman niya, ??Wala akong artista sa entourage, pero siyempre, yung mga boss namin nandoon. Boss ng TV5 at GMA. Biruan nga namin ni Oscar, ano ??to, parang meeting?

??Parang G.A. [General Assembly], pero TV5 at saka GMA. E, kasi ninang ko rin sila Ma??am Luchie [Cruz-Valdez], siya naman sila Ma??am Jessica [Soho], so parang... ??di ba??? natawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN