Gabbi Garcia plans to join Binibining Pilipinas; aspires to be a total performer

Gabbi Garcia wants to join the Binibining Pilipinas pageant in the future. So she prays, “Gusto ko po sana. Sana tumangkad pa ako! Sana po talaga.”


Walang kapareha o ka-loveteam si Gabbi Garcia (bilang si Marikit) sa InstaDAD.

Marahil ay preparasyon ito dahil nalalapit na ang pagkakaroon ng drama series na sina Gabbi at Ruru Madrid ang mga bida, ang Let The Love Begin.

“Nakaka-overwhelm po, siyempre. And first time ko rin pong magtrabaho na walang ka-loveteam, so madi-discover ko din po yung individuality ko as an artist.

“And wala naman pong problema kasi magkaka-work po kami ni Ruru soon.”

Gaano katotoo na magge-guest si Ruru sa InstaDAD?

“Tingnan natin. Abangan,” ang tumatawang bulalas ni Gabbi.

Sixteen years old pa lamang at 5’6” ang height, aminado si Gabbi na gusto niyang sumali sa Binibining Pilipinas.

“Gusto ko po sana. Sana tumangkad pa ako! Sana po talaga.”

Idol daw niya na beauty queen si Shamcey Supsup.

May pagkakahawig nga sila ni Shamcey, at malaki rin ang pagkakahawig nina Gabbi at ng Kapuso actress na si Bettina Carlos.

“Oo nga po, marami po ang nagsasabi, si Ate Bettina Carlos po. Sobrang close po kami ni Ate Bettina, lagi po akong nagge-guest dun sa show nila, sa Idol sa Kusina ‘tsaka nagka-work na po kami sa Seasons Of Love. Siya po yung ate ko dun,” kuwento pa ni Gabbi.

Bilang artista, sino ba ang nais ni Gabbi na sundan ang mga yapak?

“Ako po kasi gusto ko po talaga ang peg ko, para sa sarili, ha, ang gusto ko po talaga maging, actress, singer, dancer. Kasi gusto ko pong i-hone yung sarili ko as a total performer.

“And not just that, but naka-graduate din.”

Nagawa naman iyon ni Gabbi dahil kaka-graduate lang niya ng high school sa St. Paul sa Pasig.

Kaklase niya sa nabanggit na school ang Kapamilya na si Julia Barretto.

“Julia and I are very good friends,” ani Gabbi tungkol kay Julia.

Sa kolehiyo ay gusto ni Gabbi na pumasok sa isang flight school para maging piloto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ever since bata po ako gusto ko po talaga [maging piloto]. Childhood dream ko.

“Kasi po ang mommy ko po stewardess po siya. So, ever since bata ako, exposed po ako sa airline, sa travelling, so ‘ayun po,” paliwanag ni Gabbi.

HOW TO DEAL WITH OTHER “GABBI”S. Pagpasok ni Gabbi sa showbiz ay Gabrielle Garcia ang una niyang screen name, ngayon ay ginawa na itong Gabbi Garcia.

Masaya ba siya dito, to think na marami nang Gabbi (o Gabby) sa showbiz?

“Yes, actually po. Personal choice na rin po, kasi mas nasanay rin po akong Gabbi ever since.

“Yung sabi po nila maraming Gabbi, siguro ako na lang po ang gagawa ng sarili kong paraan para makilala po ako bilang Gabbi Garcia talaga.

NO RIVALRY WITH ASH AND JAZZ. Itinuturing ba niyang kalaban o karibal sa popularidad ang InstaDAD co-star niyang si Ash Ortega?

“Ay, hindi po. Si Ash po kasi, kaibigan ko po siya bago po ako mag-start sa showbiz. Nagkakasama po kami before sa ramp modeling.

“Kaya nung nag-enter po ako sa showbiz, magkakilala na po kami. So okey po kami ni Ash, as in yung relationship namin, okey po kami.”

Wala rin daw kaso sa kanya na ang dating Kapamilya na si Jazz Ocampo ay Kapuso na rin ngayon at kasama rin nila sa InstaDAD.

“Ako po wine-welcome ko po siya dito sa Kapuso Network and very happy po ako na may nadagdag po na isang napakagandang artista rin po sa GMA.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN