IC Mendoza admits getting surprised that former co-host Alex Gonzaga will have a concert: “Araneta pa!”

IC Mendoza misses former co-host Alex Gonzaga: “Palagi naman kaming magka-text kasi, may long-overdue kaming dinner. Pero, hindi mag-align ang schedule namin dahil ang bisi-bisi ni Girl. Pero hopefully, ano…I wish her well and sobrang proud ako sa kanya.”


Matagal na rin ang huling talk show na ginawa ni IC Mendoza sa TV5 din, ang Ang Latest at ngayon lang ito nasundan muli, sa Showbiz Konek Na Konek na napapanood tuwing 11:00 ng umaga.

Nanggaling si IC sa henerasyon ng mga showbiz talk show hosts mula sa kanyang lola na si Inday Badiday hanggang sa kanyang ina na si Dolly Anne Carvajal.

Aminado si IC na dahil artista rin siya at maraming kaibigang artista, madali raw sa kanya ang situwasyon niya bilang isang talk show host.

Ayon nga kay IC nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment writers sa 77 Limbaga Café noong Lunes, April 6, “Actually, hindi siya mahirap, madali siya dahil marami akong kaibigang artista.”

Pero, aminado si IC na napapaaway raw siyang talaga.

“Oo, ang dami,” natawa niyang sabi.

“Merong mga hindi lang nababalita kapag nasa labas ako, parang sasabihin na, ‘Alam mo, ikaw IC, gusto kitang patayin dati.’ Pero ako naman kasi, palagi kong hinihingi ang side nila.

“At saka, kung ayaw mong mabalita, huwag kang gumawa ng katarantaduhan, ‘di ba? Ang daming ganung artista na nagagalit sila kapag nababalita sila, napipikon sila pero it comes with territory, e.

“Nag-artista kayo, so…”

May mga artistang nagsasabing off-the-record, pero dahil host siya ng isang talk show, kailangan niyang mag-deliver ng trabaho niya bilang host.

Sabi naman niya, “Off-the-record is off-the-record. I think, pipiliin ko pa rin ang friendship. Siguro kung makorner ako, ipapaalam ko pa rin.”

GIRLFRIEND AT 13. Twenty-seven na ngayon si IC pero, 13 daw siya nang makumpirma niya sa sariling bading nga siya.

Nagkaroon pa raw siya ng girlfriend noon ‘tsaka natatawang sinunod ang katagang, “Yuck! 13 years old din ako noong magka-girlfriend ako. I tried na manligaw ng girl para lang mabasted ako.

“Si Gaga sinagot ako,” natawang biro niya.

Paano yun, hindi pa niya alam na bading siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko na po yun pero I was trying to fight it.”

Bakit sila nag-break, nalaman nitong bading nga siya?

“Hindi, nagkasawaan lang kami at saka parang napansin niya na hindi ko na siya tine-text. So dumedma rin.”

Walong buwan din daw tumagal ang relasyon nila at wala na raw siyang balita o komunikasyon dito.

“PASTOR’S DAUGHTER.” Kung ang ibang bading ay gusto pa rin na magkaroon ng sarili nilang anak na mula sa dugo nila, si IC naman daw ay hindi niya nakikita ang sarili sa ganitong senaryo.

Mag-ampon?

“Hindi ko pa nakikita. Siguro kapag nagka-partner ako ulit at gusto niya.”

Sixteen naman na si IC nang mag-come-out at hindi naman daw ito naging isyu lalo na sa mommy niya.

“Naging isyu sa ibang members of the family, pero wala akong mga dramatic stories na pinalayas or usual stories ng mga bakla.

“Naging masuwerte rin po ako na may matibay akong support group na hindi nakuha ng iba. And for me, feeling ko po ay napaka-blessed ko po dahil dun.”

Ngayon naman daw, natanggap na rin daw ng daddy niya. Pero dahil nasa U.S. ito kaya hindi naman daw siya napagsasabihan.

“I’m a Pastor’s daughter,” biro pa niya.

MISSING ALEX. Hindi naman itinanggi ni IC na nami-miss daw niya ang dating co-host na si Alex Gonzaga na ngayon ay namamayagpag na sa Kapamilya network.

Bumili na nga raw siya ng ticket sa concert nito.

“Palagi naman kaming magka-text kasi, may long-overdue kaming dinner. Pero, hindi mag-align ang schedule namin dahil ang bisi-bisi ni Girl. Pero hopefully, ano…I wish her well and sobrang proud ako sa kanya.”

Nagulat ba siya na magkakaroon ito ng concert sa Smart-Araneta Coliseum?

“Nagulat ako, oo,” sabi niya.

“Sabi ko, si Bakla may concert. Araneta pa! Pero ako naman, wala naman akong doubt na kayang-kaya yun ni Alex at medyo long-overdue na rin naman ang naibibigay sa kanyang break ng ABS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, napakagaling talaga ni Alex.”

Kahit umalis ito sa TV5, mas nakikita niyang tama nga ang naging desisyon ni Alex na lumipat?

“Yes,” saad niya.

“Mas na-utilize siya run at saka, grateful naman siya sa TV5 kasi doon siya nahasa pero na-utilize siya ng ABS.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN