That Thing Called Tadhana director called out for "devastation" of Sagada

"[S]ince the damage has been done, i am requesting you to go back to sagada tourism and initiate a continuous improvement project to prevent the same devastation of nature again," an anonymous nature lover wrote in an open-letter addressed to That Thing Called Tadhana director Antoinette Jadaone


Isang blogger ang nagnanais kunin ang atensiyon ng direktor na si Antoinette Jadaone dahil sa pagdami ng mga taong bumibisita sa Sagada Province.

Isang nagpakilala bilang “a small person who loves nature” ang nagsulat ng open-letter para sa direktor ng blockbuster hit movie na That Thing Called Tadhana. Ito ay nailathala sa blog ng isang nagngangalang “she-wolf,” na may pamagat na "That Thing Called 'Wasak ang Kiltepan': An Open Letter to Director Antoinette Jadaone," noong Martes, April 7.

Ayon sa sumulat ng liham (as published sa blog), “[I] have a moral responsibility to deliver it as sincerely as i can upon seeing the devastation that was caused by your film's hype.

“i haven't seen the movie thinking that it's going to be a typical filipino film; however, the moment i saw your trailer, me and my other environmentalist friends only have one thing in mind: 'magagahasa to gaya ng anawangin.'”

Para sa mga nakanood ng pelikula, matatandaan na isa ang Sagada sa mga lugar na pinuntahan ng mga karakter nina Angelica Panganiban at JM de Guzman sa pelikula.

At isa sa mga 'di makalilimutang eksena rito ay ang pagsigaw ni Mace (Angelica) sa tanyag na Kiltepan Viewpoint para ilabas ang sama ng loob na dulot ng pagkasawi sa pag-ibig.

Noong April 5, isang larawan ang kumalat sa Facebook na nagpapakita ng sobrang dami ng taong nagnanais makita ang ganda ng tanawin sa Kiltepan Viewpoint.



(Facebook photo of Dayanne Crisologo)

Kaugnay nito, sinabi ng sumulat ng liham, “[T]he photo above just manifested our worst nightmare.”

Pagkatapos ay ipinahayag din niya, “[We have a moral responsibility to take care of our environment for future generations to come.

“[S]ince i haven't seen the movie, i doubt you have shown LNT [leave no trace] principles nor have talked to the tourism office on how they should manage the influx of visitors as a result of showing your film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“[I]nstead, we have this devastation -- overcrowding. just look again at the photo below.”

GO BACK TO SAGADA. Bilang pagpapaalala tungkol sa pangangalaga ng likas na yaman ng bansa, sinabi ng sumulat ng liham, “[Y]ou, ms. jadaone, with a very high influence in philippine media and perhaps a high profit from your movie can surpass what i have done...

“...[S]ince the damage has been done, i am requesting you to go back to sagada tourism and initiate a continuous improvement project to prevent the same devastation of nature again.

“[I]t is not enough that you have shown the world how beautiful our country is.

“[M]other nature is not a slut you just simply pimp to get profit from. she is your mother, your mother's mother, and the mothers' before them.”

Sa huli, iminungkahi rin ng awtor ng open-letter, “[S]ince you have worked with star cinema/cinema one/abs-cbn, you may collaborate with ms. gina lopez as she did a stellar job in promoting tourism in sibuyan...

“...[P]lease help us take care of her.”

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si Direk Antoinette tungkol sa open letter na ito sa pamamagitan ng Cornerstone Talent Management, subalit hanggang ngayon ay wala pa kaming nakukuhang sagot.

ANGELICA REMINDS TOURISTS. Samantala, bago mag-Holy Week ay nagbigay na ng paalala ang lead actress ng That Thing Called Tadhana sa mga turistang bibisita sa Sagada.

Aniya, “Mag-ingat kayong lahat sa byahe papuntang Sagada! And lets all be responsible sa ating pagbisita.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN