Manny Pacquiao on 12-round sparring session with Coach Freddie Roach: "I feel good!"

Pagkatapos ng matinding training session, nakuha pa ring magbiro ni Manny Pacquiao na pinagbabawalan si Coach Freddie Roach na magmura o magbitiw ng masamang salita habang sila ay nag-eensayo. Umabot ng $125 dollars ang kunwariang multa na ipinataw ni Manny kay Coach Freddie sa kanilang ensayo kahapon.


Puspusan ang training ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao para sa laban nila ni Floyd Mayweather Jr. sa MGM Grand Arena, Las Vegas, sa May 2 (May 3 for Manila time).

Kahapon, April 9, ay ganadong tumakbo si Manny at iba pang kasamahan sa mountain trail sa Griffith Park, Los Angeles, California.

Ayon sa ulat ni Dyan Castillejo ng TV Patrol, binigyan ni Coach Freddie Roach ng maghapong pahinga si Manny upang mas maging handa ito sa kanilang sparring kahapon.

Sabi pa ni Manny ukol dito: “Para maging hunger ako sa taas ng ring. Ang focus is stamina and then footwork... I feel good! [sic]”

Tulad ng inaasahan ni Coach Freddie, bigay-todo umano ang performance ni Manny nang magharap sila at makaabot ng 12 rounds sa boxing ring.

Sa ngayon ay pinaghahandaan nila ang bagong strategy na gagamitin ni Manny laban kay Floyd.

“Freddie wants more tactics and technique which is what’s gonna win this fight. Freddie's in charge and that's what we're doing,” dagdag na pahayag ng strengthening and conditioning coach ni Manny na si Justine Fortune.

Ngunit kahit na tutok si Manny sa pag-eensayo, nananatili pa ring mapagbiro ang Pambansang Kamao na pinagbabawalan sina Coach Freddie at Coach Justine na magmura sa kanilang training sessions.

Binibilang ni Manny ang bawat mura na bibigkasin ng mga coach at kunwari ay papatawan ng multang five dollars kada isa.

Umabot ng $125 ang kay Coach Freddie, habang $45 naman ang kay Coach Justine.

Sabi ni Manny kay Coach Freddie, “You’re supposed to say only good things!”

Pabirong sagot ni Coach Freddie na ikinatawa ng boxing champ, “Alright. I love you!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN