UPDATED. It’s confirmed: Empress Schuck is three months pregnant

Mainit ang usapin tungkol sa diumano’y pagbubuntis ng aktres na si Empress Schuck. Ngunit wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ni Empress tungkol dito.


Kumpirmadong buntis ang Kapuso actress na si Empress Schuck.

Mula sa ilang sources, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tatlong buwan na ang ipinagbubuntis ni Empress.

Ang sinasabing ama ng anak ng 22-year-old actress ay ang non-showbiz boyfriend nito na anak ng isang pulitiko from the South.

Ilang linggo nang laman ng blind items ang tungkol sa isang aktres na diumano'y buntis ngayon.

Ayon sa mga komento at haka-haka, base na rin sa clues na nagsisilabasan, ang tinutukoy na nabuntis ay si Empress.

Sa kolum ng batikang manunulat na si Nora Calderon sa Pang Masa tabloid noong March 31, ganito ang nakasaad: “May isa ring sinasabing preggy na bida sa isang teleserye kaya balitang tatapusin na ang soap hanggang hindi pa ha­lata ang tiyan niya...”

Si Empress ay isa sa mga bida ng afternoon soap ng GMA Network na Kailan Ba Tama Ang Mali?; kasama sina Max Collins, Geoff Eigenmann, at Dion Ignacio.

Ito ang unang proyekto ng aktres sa Kapuso network mula nang lisanin niya ang ABS-CBN noong last quarter ng 2014.

Read: Empress returns to GMA Network as a freelancer


EMPRESS SILENT ABOUT THE ISSUE. Sa kanyang Twitter account (EmpressOfficial), isang makahulugang mensahe ang ipinost ng aktres noong February 27.

Ito ang sinasabing unang pahiwatig ni Empress kaya lumabas ang isyung buntis diumano siya.

Aniya, “Sometimes the thing you most want does not happen and sometimes the thing you never expected happen to us.”

Sa kanyang Instagram account naman (@empressita), may mga followers ang 22-year-old Kapuso actress ang nagtatanong kung buntis nga ba siya.

Sa isang post ni Empress sa Boracay, nagkomento si @bethovenly0956 ng: “She looks preggy na!”

Thank you @tela_ph for my top☀️🌴

A photo posted by Empress Schuck (@empressita) onApr 7, 2015 at 1:15am PDT

Walang reaksiyon o komento dito si Empress.

Sa kasunod niyang dubsmash post, marami na rin ang na-curious at nagtanong sa kanya tungkol dito.

Shameless... Hahaha

A video posted by Empress Schuck (@empressita) onApr 8, 2015 at 5:50am PDT

Narito ang ilan sa kanila:

@ays.francisco: “Sya ba ung nasa blind item na kapuso star na galing abscbn na preggy ngyn?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

@awesomeness1983: “Buntis ka ba? Haaay tuluyan na syang nawalan ng karir. Sana makabalik like jen..”

@koopydon: “Okay lang kung totoong buntis ka. Empress isa sa ka sa pinakamahusay na artista ngayon at ano man ang mangyari may lugar ka sa showbiz tandaan mo nasa GMA ka. mahal ka namin Kapuso.”


WILL EMPRESS ADMIT PREGNANCY RUMOR? Sa pamamagitan ng text ngayong araw, April 10, nagpadala ng mensahe ang PEP kay Katrina Aguila, ang kasalukuyang tumatayong manager ni Empress, upang kunin ang kanilang pahayag tungkol sa kumakalat na balita.

Si Katrina ay anak ni Becky Aguila, na manager naman nina Jennylyn Mercado at Neil Coleta.

Pero hanggang sa lumabas ang artikulong na ito ay hindi pa sumasagot si Katrina sa aming mensahe.

Kinunan din ng reaksiyon ng PEP ang publicist ng kampo ni Empress, ngunit sinabi nitong abangan na lang namin ang exclusive interview ng Startalk kay Empress na ipalalabas bukas, April 11.

Incidentally, nakarating sa PEP na may exclusive interview nga ang aktres sa showbiz talk show na ito ng GMA.

Ang nag-interview kay Empress ay si Jennylyn Mercado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN