Mark Neumann not ready to pose or act in the nude: “Who likes to show their body on national TV?”

Mark Neumann says showbiz has allowed him to discover things about himself he never knew before, like he can actually act and dance.


Nasa Germany ang buong pamilya ng TV5 young actor na si Mark Neumann.

Aminado ang binata na mahirap para sa kanya na hindi niya kapiling ang mga magulang at mga kapatid.

Anim na magkakapatid sina Mark, pangatlo siya, “Four boys two girls.”

Nakapagbakasyon naman daw ang parents niya dito sa bansa nitong nakaraang taon.

Pero ngayon nga, “nami-miss ko pa rin,” maski raw sanay na siyang maging independent.

“Kasi in England, I was independent, I worked in England before,” banggit ni Mark.

FACTORY WORKER. Bago pumunta sa Pilipinas at sumali sa Artista Academy ng TV5 noong 2012 ay nagtrabaho sa factory ng toiletries sa England si Mark at the age of 16.

Kuwento niya, “Factory ng shampoo, personal health care [products], lip balm, creams, everything.

“I was independent. I had my own place.”

Sa Germany siya ipinanganak, pero Filipino ang ama niya at Croatian ang kanyang ina.

Neumann ang apelyido ni Mark dahil German ang lolo nito.

"My father was adopted by my steplolo, [who] is German."

Biyuda ang lola ni Mark sa tunay niyang lolo. Nag-asawa itong muli sa German na steplolo ni Mark kaya ito naging Neumann.

“Quite magulo yung story!” at tumawa si Mark.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark noong April 7 sa presscon ng Wattpad Presents: The Magic In You, na pinagbibidahan nila si Shaira Mae.


CAREER. Magta-tatlong taon na sa showbiz si Mark.

Sa mga taong nagdaan bilang artista, ano ang masasabi niya tungkol sa kanyang career ngayon?

Sagot niya, “Parang lumawak yung mindset ko, it widened.

“For example, I discovered many things about me na I never really thought of.

“Like dancing, or even acting in front of a lot of people.

“I got interested in dancing, music, na before I didn’t have any interest.

“‘Tapos, now, I really like looking at people, the way they act, so I can learn more, parang ganun po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil nasa ibang bansa ang buong pamilya niya, may ibinigay ba siyang time limit sa pamamalagi niya rito sa Pilipinas sakaling hindi umalagwa nang husto ang kanyang showbiz career?

Babalik ba siya sa Germany o mamamalagi siya sa Pilpinas hanggang sa mag-asawa siya?

Sagot ni Mark, “For me, at the moment, I’m enjoying this right now, yung showbiz.

“If ever it doesn’t work out, maybe I’ll work what I plan to be, a flight attendant.”

Bakit nais niyang maging flight attendant?


Paliwanag ng Kapatid star, “Kasi they’re travelling so much na mae-enjoy ko; and I like different cultures, languages, people.

“Parang nag-e-enjoy ako mag-travel, nag-e-enjoy ako na maka-meet na mga taong taga-ibang bansa.”


NOT YET READY. Sa ilang eksena ni Mark sa shows niya sa TV5 ay pumapayag na siyang mag-topless.

Kumportable na ba siya na shirtless siya sa harap ng kamera?

“Let’s say still may ano... may parang adjustment, awkward pa rin until now.

“Who likes to show their, you know... like, their body on national TV?” natatawang sabi niya.

Dagdag ni Mark, “Pero if it’s really for the sake of the show, for the sake of your work being an actor, why not?”

Papayag ba siyang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash kung sakali?

“I’m not ready! Tumaba ako sa Hong Kong,” sabi niya/

Sa Hong Kong Disneyland kasi kinunan ang mga eksena nila ni Shaira Mae para sa Wattpad Presents The Magic In You.

Pero kapag nasa tamang porma na ang katawan niya, “Let’s see! For me, hindi pa ako ready. Let’s see, let’s see...”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN