Empress Schuck opens up about her pregnancy; reveals identity of father of her baby

Inamin ng Kapuso actress na si Empress Schuck na magtatatlong buwan na siyang buntis sa anak nila ng kanyang boyfriend na isang modelo at mula sa angkan ng mga pulitiko.


Sa Startalk ng GMA Network ipinagkatiwala ni Empress Schuck ang pag-amin na siya ay nagdadalangtao na.

Ang hiling lang ng 22-year-old actress ay si Jennylyn Mercado—na kapatid niya sa manager na si Becky Aguila—ang mag-interview sa kanya.

Bukod sa pagiging close nila, napagdaanan na rin ni Jennylyn ang pinagdadaanan ngayon ni Empress.

Si Jennylyn ay nabuntis at naging ina rin sa murang edad, 21, noong 2008.

POSITIVE. Magta-tatlong buwan nang buntis si Empress, courtesy of her non-showbiz boyfriend na si Vino Guingona.

Si Vino ay isang modelo at mula sa angkan ng mga pulitiko sa Zamboanga.

Siya ay apo ni dating Vice President Teofisto Guingona Jr. at pamangkin ni Senator TG Guingona III.

Family friend daw nila ito sa father side ni Empress, ngunit mahigit isang taon pa lamang silang magkasintahan.

Ayon kay Empress, hindi ganun kadali na tanggapin nang nalaman niyang positibong buntis siya.

Kuwento niya, “Parang unti-unti pa lang nag-sink in sa akin.

"'Tapos bigla akong nag-breakdown. Iyak ako talaga."

Hindi raw niya alam kung paano ito ipagtatapat sa kanyang mga magulang, kaya nag-usap muna sila ni Vino.

“Nag-usap muna kaming dalawa, since magkasama naman kami that night.

“May kaibigan akong doctor… sabi ko, ayoko nang magpaliguy-ligoy pa, kahit mga 11 P.M. na yun, tinawagan ko talaga yung kaibigan ko na doktor kung puwede ba akong pumunta sa kanila, kasi may problema ako.

“Pumunta kami sa kanya, binigyan niya ako ng tips, and ayun, sila na yung nag-aalaga sa amin ngayon.”

Ang sumunod daw na kinausap ni Empress ay ang kanyang ate.

Malaki ang pasasalamat ng young actress dahil sinuportahan naman daw siya nito.


TELLING HER PARENTS. Sa tulong ng kanyang manager na si Becky Aguila at ni Vino, sunod nilang sinabihan ang mga magulang ni Empress.

Salaysay ng aktres, “Pumunta kami sa bahay namin, nandun sila Mama, 'andun din si Papa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ayun, sinabi namin.

"At siyempre, si Mama…yun naman talaga, sure ako ang mga nanay talaga, may mga violent reactions talaga sa una.

“Siyempre hindi naman talaga maiwasan yun, talagang hinanda ko na yung sarili ko, e.

“Siyempre nagalit siya, na-disappoint siya.

"Pero pagkatapos naman nun, naging okay na siya.

“Kasi feeling ko naman, inilabas lang naman niya, e [ang sama ng loob].

“Pero ang totoo, nandiyan siya para sa akin, okay lang sa kanya.”

PROTECTIVE BOYFRIEND. Nagpapasalamat si Empress dahil bukod sa kanyang pamilya, nandiyan din ang pamilya ng kanyang boyfriend na nag-aalaga sa kanya.

Dagdag pa rito ang suporta ng kanyang manager at mga malalapit na kaibigang nakakaunawa sa kalagayan niya ngayon

Pero lalo raw naging protective ang kanyang boyfriend sa kanya. Hindi raw talaga siya pinababayaan nito.

(Photo: Courtesy of Jay Balagot Photography / Victo Rio)

Saad ni Empress tungkol kay Vino, “Hindi niya talaga ako iniwan.

“Minsan, gusto kong mapag-isa, sabi niya talaga, ‘Hindi.’

“Kailangan kasama siya, yung family niya, yung ate ko, yung mga kapatid ko.

“Minsan ‘andun ako sa parents ko, mama ko, si Papa, ‘andun yung mga kapatid ko.”

Emosyunal pa niyang pahayag, “Kaya kahit na masasabi ko talaga kahit na may mga ganitong hindi magandang pangyayari, kasi maraming nagmamahal pala sa ‘yo. Maraming nagmamahal pala sa akin.

“Hindi mo nakikita minsan, hindi mo nararamdaman yung mga pagkakataong ganito, dun sila nagsulputan.

“Ngayon, ramdam na ramdam ko kung sino talaga yung mga sumusuporta sa akin.

“Kaya gusto kong mag-thank you kay God kasi Siya ang gumawa ng lahat ng ito.

“At kahit nangyari ito, masasabi kong hindi Niya talaga ako pinabayaan.”

WEDDING? Tatapusin lang daw muna ni Empress ang mga natitirang taping days niya sa afternoon drama series na Kailan Ba Tama ang Mali, at pagkatapos nito ay magpapahinga na siya para sa kanyang baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto niyang bumalik sa trabaho kapag nanganak na siya.

Sa baby lang daw muna sila naka-focus ni Vino. Hindi raw nila pinag-uusapan ang magpakasal.

Paliwanag ni Empress, “Kasi ang pagpapakasal, that’s another responsibility.

“At ang pagpapakasal, isang bagay na pinaplano talaga. Kailangan pinag-uusapan at pinaghahandaan.

“Sa ngayon, ang focus lang namin is yung baby muna, kung paano palakihin nang buo kami, na malusog siya.

“Pero siyempre, after all, he’s the father of my baby.

"Hindi ko rin naman nakita ang sarili ko na may kasamang iba. Kung hindi siya...

“So sana, when the right time comes, magiging kami pa rin ‘til the end.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN