Ruru Madrid graduates from high school; eyes filmmaking course

Ruru Madrid (shown with his parents during his graduation rites) on successfully managing his studies despite his hectic showbiz schedule: “Mahirap pong ipagsabay pareho, pero kung may goal ka po talaga sa buhay, magagawa mo ito. Kahit na po nasa taping ako, hindi po ako nagsasayang ng oras. Salamat sa Diyos at nakatapos na rin ako ng high school.”


Kurso sa filmmaking ang gustong kunin ng Kapuso teen actor na si Ruru Madrid sa University of the Philippines.

Naka-graduate na si Ruru ng high school sa National Christian Life College. Nakatanggap pa nga siya ng tatlong special awards noong mismong graduation day nila last March 26.

Kahit magkakasunod ang mga naging trabaho ni Ruru, nagawa pa rin niyang mapagsabay ang pag-aaral at matupad ang pangako sa kanyang mga magulang na matatapos ang high school at makakatuntong siya ng kolehiyo.

Sabi ni Ruru, “Mahirap pong ipagsabay pareho, pero kung may goal ka po talaga sa buhay, magagawa mo ito.

“Kahit na po nasa taping ako, hindi po ako nagsasayang ng oras. Nagre-review po ako ng mga lessons sa school para hindi ako mahuli.

“Salamat sa Diyos at nakatapos na rin ako ng high school.

“I feel happy to finally receive my high school diploma. Masaya ang feeling to finish another chapter in my life.

“Kaya noong graduation ko, masayang-masaya sila mommy at daddy kasi natupad ko ang wish nilang maka-graduate ako.”


EYES FILMMAKING COURSE. Dahil nasa showbiz si Ruru, pinapangarap niyang maging film and TV director balang-araw.

“Plano ko pong mag-take up ng film course sa University of the Philippines. Sana po makapasa.

“Masyado po akong nai-inspire sa mga directors na nakatrabaho ko na tulad ng manager ko pong si Direk Maryo J. de los Reyes, ang director ko po sa movie na Above The Clouds na si Direk Pepe Diokno, at sa director namin sa teleserye na My Destiny na si Bb. Joyce Bernal.

“Interesado po ako sa mga ginagawa nila at kapag hindi na tayo busy bilang artista, ang pagiging direktor naman ang gusto kong gawin.

“Pagsusumikapan ko po ulit ang pag-aaral sa college para makatapos ako kaagad.”


STARRING ROLE. Magbibida na si Ruru sa sisimulang teleserye sa GMA Network, ang Let The Love Begin, kunsaan katambal niya si Gabbi Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang nagtambal sina Ruru at Gabbi sa teleserye na My Destiny at sa unang episode ng Seasons of Love.

Ang Let The Love Begin ay TV version ng hit movie na pinagbidahan nina Richard Gutierrez at Angel Locsin noong 2005.

Saad ni Ruru, “Nagpapasalamat lang po kami ni Gabbi na pinagkatiwalan kami agad sa malaking project na ito.

“Hindi po namin inaasahan itong project na ito kaya pangako namin na pagbubutihan namin ang trabaho.

“'Tapos ang ganda pa po ng cast na makakasama namin ni Gabbi kaya ayaw naming mapahiya sa kanila.

“May magandang chemistry naman kami ni Gabbi at sa tulong ng director naming si Ms. Gina Alajar, alam naming maaalagaan kami nang husto.”

Makakasama nina Ruru at Gabbi sa Let The Love Begin sina Ariel Rivera, Gladys Reyes, Donita Rose, Gina Pareño, at ang nagbabalik-Kapuso na si Ai-Ai delas Alas.


FAVORED KAPUSO TALENT? Dahil sa mga magagandang projects ni Ruru, masasabing mas busy at mas inaalagaan siya kaysa sa Protégé: The Battle For The Big Artista Break male winner na si Jeric Gonzales.

Runner-up lang kasi si Ruru kay Jeric sa naturang talent/artista search program.

Si Jeric ay hindi pa nabibigyan ng pagkakataong magbida sa anumang teleserye, tulad na lang sa ginagawa niya ngayong Pari ‘Koy.

Pero ayon kay Ruru, nagkataon lang na binigyan siya ng malaking project at naniniwala siyang may magandang plano ang Kapuso network kay Jeric.

“Sinusuwerte lang po siguro tayo.

“Kung ano naman po ang ibigay sa akin na trabaho, gagawin ko po.

“Hindi naman po siguro nila pababayaan si Jeric.

Dagdag pa ni Ruru, walang masasabing professional rivalry sa kanila ni Jeric.

“Wala pong ganun. Magkaibigan po kami ni Jeric.

“Kahit bihira po kaming magkasama sa trabaho, kapag nagkikita naman po kami sa Sunday All Stars, okey po kami.

“Mabait po si Jeric at natutuwa nga po ako na may hindi lang siya sa acting nagku-concentrate kundi pati sa singing na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana nga magkasama ang batch namin sa Protégé sa iisang show. Para maipakita namin na solid pa rin ang pagkakaibigan namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN