Mac Alejandre praises stars of Wattpad Presents: The Magic in You Mark Neumann and Shaira Mae

TV5 partners with Hong Kong Disneyland for an episode of Wattpad Presents: The Magic in You, set in "the happiest place on earth." TV5 is the first network in the Philippines that was allowed to shoot in Hong Kong Disneyland. In photo are the stars of the episode: Nicole Estrada, Mark Neumann, Shaira Mae, Yayo Aguila, and its director Mac Alejandre.


Punong-puno ng papuri si Direk Mac Alejandre sa tambalang Mark Neumann at Shaira Mae.

Si Direk Mac ang naatasang mag-direk sa pinakamalaking production so far ng Wattpad Presents: The Magic In You na kinunan pa halos ang lahat ng mga eksena sa Hong Kong Disneyland, kung saan bida sina Mark at Shaira.

Bungad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), at dalawa pang media mula sa Pilipinas, “Umpisahan natin. May following sila, at ang following nila ay malaki at malawak.

“Sila yung bagong generation ng stars. Lahat ‘yan may wave, e. May wave, then you ride the wave, then the wave will get bigger.

“Lumalaki. Bakit? Kasi naniniwala ang mga tao, e. Una sa tingin, then, ‘pag nagsama na silang dalawa, yung tingin may dating.

“Then yung dating evokes an emotion. Sabay silang nag-go grow sa mga manunuod.”

Hindi na bago kay Direk Mac na makasama ang dalawa. Isa siya sa naging juror ng Artista Academy ng TV5 noong 2012, kaya isa rin siya sa mga nakapansin sa talent ng dalawa na nakapasok sa top 16 noong kasagsagan ng contest.

Saad pa niya, “Noong nasa Artista Academy sila, yung labing anim na yun, sinabi naming ito ang pinaka-posible na mag-stand out. Itong labing anim na pinaniniwalaan namin, ang ihaharap namin sa inyo.”

Sina Vin Abrenica at Sophie Albert ang tinanghal na Best Actor at Best Actress, respectively, sa naturang talent search.

Nakausap ng PEP si Direk Mac sa Enchanted Garden Restaurant ng Tokyo Disneyland Hotel, sa loob mismo ng Hong Kong Disneyland noong March 21.

Isa ang PEP sa tatlong naimbitahang media mula sa Pilipinas na mag-cover sa isinagawang taping ng Wattpad Presents: The Magic In You sa tinaguriang "happiest place on Earth."

DREAMS OF BECOMING DISNEY’S PRINCE AND PRINCESS. Ang The Magic In You episode ay tatalakay sa buhay ni Princess Anne Dimla, na gagampanan ni Shaira, kung saan nangangarap itong mahalintulad sa isang Disney princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tatayong prince ni Shaira ay si Basti Rivera (gagampanan ni Mark) na nakitang nag-break down si Princess Anne sa Disneyland. Sa halip na tulungan, ito ay kinunan niya ng video at in-upload sa YouTube na naging viral. Ang mga sumunod na pangyayari ay nakakatuwa at may aral.

Paano ipapakita ni Direk Mac ang Disneyland sa kakaibang paraan dahil marami na ring mga Pilipino ang nakapunta dito?

Kuwento niya, “Marami na ang nakakapunta, pero walang nakakapag-shoot. They’re very strict about it. Iba yung nakakapunta, iba yung nakakapag-shoot.

“Sa atin [sa Pilipinas], tayo ang first.”

Ang TV5 ang kauna-unahang istasyon sa Pilipinas na nakapag-shoot sa loob ng naturang theme park. Ito ay bahagi na rin ng ika-sampung anibersaryo ng Disneyland.

Dagdag pa ni Direk Mac, “Yes, marami na ang nakakapunta, pero mas maraming tao ang hindi pa nakakita na ganun kalawak.

“Ipapakita mo ngayon na malawak siya, na buo, [tapos] may specific. Bakit magbabago? Kasi mula ito sa point of view ng mga batang nangangarap na maging prinsesa at prinsipe. Yun ang tina-translate mo, e.”

Ang Wattpad Presents: The Magic in You ay mapapanuod na simula bukas, April 13, 9 p.m., sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN