Gretchen Barretto bags her first Gawad PASADO award for The Trial; flies back to London for daughter Dominique’s birthday

Gretchen Barretto on winning her first Gawad PASADO award as Best Supporting Actress: “It took a while bago ko nakamtam itong kinaroroonan, whatever you call it, kung ano ang ano ko ngayon. A lot of hard work, a lot of pain, ’di naman nangyari ito na bigla na lang. Pinaghihirapan natin kung nasaan tayo.”


Nanalo si Gretchen Barretto bilang PinakaPASADOng Katuwang na Aktres o Best Supporting Actress.

Naka-tie niya sina Lotlot de Leon at Iza Calzado sa katatapos na 2015 Gawad PASADO Awards kagabi, April 11, na ginanap sa San Sebastian College Auditorium sa Manila.

Binigyang pagkilala ang mahusay na pagkakaganap ni Gretchen sa pelikulang The Trial, samantalang nanalo naman si Lotlot para sa pelikulang Kubot: The Aswang Chronicles 2, at si Iza sa pelikulang Starting Over Again.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Gretchen, aminado ang kontrobersyal na aktres na 'di biru-birong hirap at pagsisikap ang pinagdaanan niya bago niya narating kung nasaan man siya ngayon sa mundo ng showbiz.

“It’s my first time for Gawad Pasado, but my third for The Trial, so maraming salamat Star Cinema, Gawad Pasado and siyempre, sa ating Panginoon. Maraming salamat.

“I watched the movie of Iza and I watched the movie of Lotlot. Everybody’s good," ang sabi ni Gretchen.

“Nagpaasalamat ako sa lahat ng mga biyayang binibigay ng Diyos.

“It took a while bago ko nakamtam itong kinaroroonan, whatever you call it, kung ano ang ano ko ngayon.

“A lot of hard work, a lot of pain, 'di naman nangyari ito na bigla na lang. Pinaghihirapan natin kung nasaan tayo,” lahad niya.

FLYING BACK TO LONDON. Sa nakaraang interview kay Gretchen sa 2015 Star Awards for Movies, kung saan nanalo din siya bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang The Trial, ay nabanggit nito na hindi siya makakadalo sa debut ng pamangking si Julia Barretto dahil lilipad siya papuntang London.

Gusto ni Gretchen na makasama ang anak na si Dominique na kasalukuyang nag-aaral doon. Babalik muli ang aktres sa London para makasama muli ang anak na magseselebra naman ng kaarawan niya.

Dagdag niya, “Very, very hectic, I’m sure everybody knows because of Instagram. Tomorrow, I am leaving for London dahil birthday naman ng anak ko so it will be a two-week celebration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Everything is all good, thank you very much.”

Sa tanong kung ano ba ang nakalinya niyang gawin pagkatapos ng The Trial, ang sabi ng aktres ay depende ito sa proyektong ibibigay sa kanya ng Kapamilya network.

“We don’t know. I’m gonna wait for whatever ABS or Star Cinema gives me.

“Ako naman, I enjoy whether I'm working or not. I just thank God for every day. Maraming nangyari after Liezl Martinez passed away.

“I realized a lot of things and I guess right now, ang pinaka-importante I have Tony, I have my daughter, I have my career and I enjoy everything and everyone around me,” pahabol pa ni Gretchen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN