Janella Salvador keeps quiet about mom’s online spat with basher

Janella Salvador prefers not to talk about her mom’s online spat with basher: “Dedma na lang. Ayoko na lang pag-usapan kasi nabibigyan pa ng atensyon ang taong yun, e.”


Kamakailan ay nakipagpalitan ng maaanghang na salita ang singer-stage actress na si Jenine Desiderio sa isang netizen sa social media na inatake ang personal na buhay nila ng anak niyang si Janella Salvador.

May ilang below-the-belt na komento kung saan nabuksan ang tungkol sa naging relasyon ni Jenine at ng ama ni Janella na si Juan Miguel Salvador, isang popular na singer noong dekada '80s.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Janella sa katatapos na 17th Gawad PASADO Awards ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro, April 11, na ginanap sa San Sebastian College auditorium sa Recoletos, Manila, umiwas magbigay ng komento tungkol sa isyu ang aktres.

Ayon kay Janella, “Dedma na lang. Ayoko na lang pag-usapan kasi nabibigyan pa ng atensyon ang taong yun, e."

Ayon kay Janella ay wala siyang sama ng loob kahit kanino kahit pa sa netizen na naka-away ng ina sa social media.

“Wala, wala akong sama ng loob,” diin niya.

THANKFUL FOR AWARD. Masayang-masaya at proud naman ang young actress sa karangalang tinanggap bilang Dangal ng Kabataan awardee kasama si Gerald Santos.

Labis ang pasasalamat niya sa pinagbibidahang programang Oh My G! na alam niyang siyang malaking dahilan kung bakit napagkaloob sa kanya ang nasabing karangalan.

“Grabe, nakaka-overwhelm kasi this award means I’m a good example to people of my age, so sobrang saya ko talaga. I owe this to Oh My G! Family. Thank you, thank you!

“I feel so blessed na maging good example ako, lalo na sa mga tao my age. Sana patuloy nila akong suportahan,” pagpapasalamat niya.

HIGH RATINGS. Bukod sa pagkilalang tinaggap, masaya rin si Janella sa consistently high ratings ng Oh My G! na patunay lamang na patuloy ang mainit na pagtanggap dito ng mga manonood.

“I’m very, very happy about the ratings. I never expect na marami talagang manonood ng Oh My G! It has so many values, so marami kang matututuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malapit na niyang makita si Anne Reyes, basta marami pang mangyayari na dapat abangan ng mga manonood,” kuwento niya tungkol sa karakter niya bilang Sophie, na patuloy ang paghahanap sa misteryosang babaeng makakapag-bigay liwanag sa ilang aspeto ng kanyang buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN