Angelica Panganiban hits back at her Twitter account hacker: "Na-hack na din pala kita and suspended account mo."

Angelica Panganiban’s Instagram account almost got hacked today. The actress reacts angrily: "Walang magawa! Pati Instagram ko. Hindi na kayo nakakatuwa. Ano bang nakukuha ng hacker dito? Hindi naman siya makikilala sa ginagawa niya."


Inihayag ni Angelica Panganiban na nahuli na niya at hindi sinasadyang nakakuha siya ng impormasyon tungkol sa nag-hack ng kanyang Twitter account.

Sa kanyang Instagram post ngayong hapon, April 12, ibinahagi ni Angelica na nakatanggap siya sa email ng reset password notification para sa di kilalang Twitter account na may handle name na @ljamel1633.

Ayon pa kay Angelica, sa tingin niya ay pag-aari ito ng hacker na nakialam sa kanyang Twitter account noong nakaraang Sabado, April 6 at ngayong araw, April 12.

Kaya na-hack na rin ng aktres ang Twitter account ni @ljamel1633 at suspendido na umano ang account nito sa ngayon.

Sabi ni Angelica patungkol sa kanyang hacker: “Sooo...Ikaw po ba hacker ko? Napupunta kasi sa email ko account details mo...

“By the way, na-hack na din pala kita and suspended account mo...”

Nahuli ni Angelica ang naturang hacker ilang oras matapos muling ma-hack ang Twitter account ng aktres ngayong araw.

Sa isa pang Instagram post ni Angelica ay sinabi niyang muntik na ring ma-hack ang kanyang Instagram account.

Nakatanggap din kasi ng password reset notification si Angelica sa naturang photo-sharing site kaya inalmahan na niya ang paulit-ulit na pakikialam ng hackers sa kanyang social media accounts.

Pahayag ni Angelica: "Walang magawa! Pati Instagram ko.

"Hindi na kayo nakakatuwa.

"Ano bang nakukuha ng hacker dito? Hindi naman siya makikilala sa ginagawa niya.

"Hindi naman siya sisikat dito...Bakit? Bakit n'yo ko pinag-iinitan?

"Anong meron sa 'kin na wala ka? Kapag na-hack mo ba accounts ko, ikaw na 'ko?

"Paki-explain mo naman sa 'kin yung purpose nang pagpapanggap na ako..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN