Director Antoinette Jadaone on Sagada devastation issue: “Hindi kami ganun kayabang...para sabihin na dahil sa Tadhana yung pagdagsa ng tourists.”

Director Antoinette Jadaone on the Sagada devastation issue: “Nagulat lang ako na gano’n ang reaction, na parang ganun kalaki yung galit niya sa Tadhana. Kung hindi niya napanood, hindi niya makikita kung gaano ka-positive yung pag-portray nung Sagada.”


Pinaka-PASADOng Pelikula Ng Taon ang recognition na ibinigay ng Gawad PASADO sa pelikulang That Thing Called Tadhana na pinagbidahan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman.

Si JM ay ginawaran din ng pagkilala bilang Pinaka-PASADOng Aktor Ng Taon kasama si Allen Dizon at John Lloyd Cruz.

Ginanap ang awarding ceremony para sa 2015 Gawad PASADO Awards kagabi, Sabado, April 11, sa auditorium ng San Sebastian College, Recoletos, Manila.

Lubos ang pasasalamat ng direktor ng pelikula na si Antoinette Jadaone sa Pambansang Samahan Ng Mga Dalubguro na siyang nasa likod ng pagbibigay ng nabanggit na award.

Kamakailan ay nagkaroon ng issue sa That Thing Called Tadhana.

May umapela kasing blogger sa social media na hindi niya nagustuhan ang biglaang pagdagsa ng mga turista sa Sagada, particularly sa Kitepan Viewpoint. Rason nito, maari raw itong makadulot ng “environmental devastation.”

Sinisisi ng blogger ang pelikulang That Thing Called Tadhana, partikular na ang direktor nitong si Antoinette Jadaone, dahil sa ginawa nitong “exposure” sa nasabing lugar. Matatandaang karamihan ng mga eksena sa pelikula ay kinunan sa Sagada, lalo na yung makabagbag-damdaming “hugot” eksena nina JM at Angelica na kinunan sa Kitepan Viewpoint.

Dahil sa kasikatan ng pelikula sa mga sinehan at social media, ito marahil ang dahilan kung bakit marami ang naengganyong bumisita sa Sagada, na matagal na ring itinuturing bilang isa sa mga “scenic spots” sa bansa.

POSITIVE PORTRAYAL OF SAGADA. “Hindi ko nga alam kung bakit siya lumaki na isyu, e,” ang sabi ni Antoinette Jadaone, direktor ng nasabing pelikula, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Pero to each his own opinion naman. So kung yun ang opinyo niya, okey lang.”

Sumama ba ang loob niya na siya ang pini-pinpoint at sinisisi?

“Uhm… siguro parang nagulat lang ako na gano’n ang reaction, na parang ganung kalaki yung galit niya sa Tadhana...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na hindi naman niya napanood, actually. Sinabi niya do'n sa blog post na hindi niya napanood yung Tadhana.

“So I think… kung hindi niya napanood, hindi niya makikita kung gaano ka-positive yung pag-portray nung Sagada.

“Actually, genuine love for Sagada yung root ng movie,” paliwanag niya.

MOVIE NOT TO BLAME. Pero sinasabi nga na dahil na-hype sa movie ang Sagada ay nagresulta ito sa bigla at hindi inaasahang pagdagsa ng mga turista doon. At maaari umanong makasama ito sa nasabing lugar na hindi pa handa sa malaking volume ng mga taong magsasadya dito.

Sa isang banda, meron din namang positibong reaksiyon: Dahil daw sa pelikula ay nabu-boost ngayon ang turismo sa Sagada.

“Nakapunta ako ng Sagada four times bago ko isinulat yung script. Nakapunta rin ako ng Sagada nung Holy Week at saka nung Pasko at nung Bagong Taon.

“At kapag Holy Week, marami talagang tao sa lahat ng mga tourist destinations.

“Hindi kami ganun ka-conceited o kayabang na filmmaker para sabihin na dahil sa Tadhana yung pagdagsa ng tourists.

“Talaga. Hindi kami gano'n kayabang para sabihin ang gano'n.

“And… it’s a place that we should share with other people, na hindi mo siya dapat sinasarili.

“Kasi nung nakita ko yung lugar, sinabi ko talaga sa sarili ko na gagawa ako tungkol dito,” lahad pa niya.

SHARE THE BEAUTY OF SAGADA. Totoo ba na ang Sagada ang una niyang pinuntahan no’ng panahong na-broken heart siya? Kaya talagang malapit sa puso niya ang lugar na ito?

Pagklaro niya, “Hindi naman. Pero parang… for soul searching talaga yung lugar na iyon, e. Kasi nasa above the clouds ka, e.

“So… ayon!

“At hindi naman… huwag nating ipagkait sa mga tao yung beauty ng lugar.

“Nasa tao na yun. Personal na pagpapalaki na ng mga tao.”

BANKABLE DIRECTOR. Nangyari in an instant ang kanyang pamamayagpag ngayon bilang bagong sibol na mahusay na scriptwriter at direktor. Newcomer pero award-winner kaagad siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po, kasi parang… matagal po akong nagtrabaho rin as assistant kay Direk Joy [Joyce Bernal].

“So sobrang grateful na nabibigyan ako ng chance na gumawa ng stories. Kasi gano’n talaga ang gusto ko,” pahayag pa ni Antoinette.

Si Antoinette din ang scriptwriter ng hit na pelikulang English Only, Please. Bankable director na rin siya dahil pagkatapos ng That Thing Called Tadhana na isang blockbuster hit din ay may bago na naman siyang pelikula na tumatabo sa takilya. Ito ang You're My Boss na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Coco Martin.

“It’s still showing. Tingnan natin!” sabay ngiti niya na ang ibig sabihin ay kung magtutuluy-tuloy ang kanyang "winning streak” bilang direktor.

May teleserye rin siya ngayon sa ABS-CBN—ang On the Wings Of Love kung saan bida sina Nadine Lustre at James Reid.

“Pero sa June pa siya eere,” aniya.

Ano ang sunod na pelikulang ididirehe niya?

“Wala pa, e. Nagsusulat pa lang ako ng script,” ang sabi ni Direk Antoinette.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN