Iza Calzado thrilled to receive Gawad PASADO award; excited about first musical play

Iza Calzado on sharing Best Supporting Actress honors with Gretchen Barretto and Lotlot de Leon at the 2015 Gawad PASADO Awards: “Well, I’m certainly in good company.”


Tatlo ang pinarangalang Pinaka-PASADOng Katuwang Na Aktres o Best Supporting Actress sa katatapos na 2015 Gawad PASADO Awards na taunang ibinibigay ng Pambansang Samahan ng mga Dalubguro.

Ito ay sina Gretchen Barretto para sa The Trial, Lotlot de Leon para sa Kubot: The Aswang Chronicles 2, at Iza Calzado para sa Starting Over Again.

Ginanap ang awarding ceremony kagabi, Sabado, April 11, sa auditorium ng San Sebastian College sa Recoletos, Manila.

Ayon kay Iza, natutuwa raw siyang makasama sina Gretchen at Lotlot na umakyat sa stage para tanggapin ang kani-kanilang trophy.

“Well, I’m certainly in good company. That, I must say!” sabi ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media.

“Siyempre, I’m so humbled at ako ay nagpapasalamat sa Gawad Pasado sa parangal na kanilang ibinigay.

“Sa pagkilalang kanilang ibinigay sa aking pagganap bilang Patty sa Starting Over Again.”

Naiiba ang Gawad PASADO dahil ang nasa likod nito ay ang Pambansang Samahan Ng Mga Dalubguro na asosasyon ng mga dalubhasang guro sa buong Pilipinas.

Kaya malaking karangalan daw talaga para kay Iza na mapabilang sa mga binigyan nito ng parangal.

“Alam mo, walang kapantay, e. Hindi ko sila kilala.

“Alam mo ‘yon? Parang… yung teachers, I was never a teacher’s pet.

“Sabi ko nga… maraming salamat sa mga guro na kasama sa Gawad Pasado awards. Dahil nung college ako, hindi man ako pumasa gaano, ngayon pasado ako!” natawang biro pa niya.

“Na… Iza Calzado, pasado!” tawa ulit ng aktres.

EXCITED ABOUT FIRST MUSICAL PLAY. Sa ngayon, ano ang mga pinagkakaabalahan niya?

“Wala lang! Wala akong ginagawa ngayon,” tawa na naman niya.

“Hindi. Joke lang.

“Actually right now, I’m preparing for a very, very big challenge.

“I’m about to do a play. It’s my first time ever.

“I’ve always wanted to do a play. And I’ve been waiting for the right material.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And on April 30 at the Solaire Theater, I will be playing Sabel. The iconic muse of BenCab.

Sabel is a musical.

“I won’t be singing. But I will be starring in it as Sabel under the direction of Freddie Santos.

“Music is by Louie Ocampo. Featuring the Philippine Ballet Theatre, Audie Gemora, Bo Cerrudo, Antoinette Taus, Timmy Pabino, and… basta marami pong kasama.

“So, excited ako. Kasi first time ko sa isang musical play,” pagtatapos ni Iza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN