Richard Gomez on his Best Supporting Actor win at PASADO Awards: “Dito naba-validate yung talent namin.”

Richard Gomez was in high spirits after winning Best Supporting Actor at the 2015 Gawad PASADO Awards. He says, “Matagal-tagal na rin bago ulit ako nanalo ng acting award. And it feels good na nari-recognize yung trabaho natin o yung craft natin as an actor. Importante yung may recognition ka.”


Si Richard Gomez ang pinarangalan bilang Pinaka-PASADOng Katuwang na Aktor sa 2015 Gawad PASADO Awards na ginanap kagabi, Sabado, April 11, sa San Sebastian College auditorium.

Ikalawang Best Supporting Actor award na niya ito para sa pelikulang The Trial.

“Ang first ko para sa movie na ito ay sa Gawad Tanglaw,” masayang pahayag ni Richard nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media.

“Matagal-tagal na rin bago ulit ako nanalo ng acting award. And it feels good na nari-recognize yung trabaho natin o yung craft natin as an actor.

“Malaking bagay ito para sa mga artista na katulad ko. Importante yung may recognition ka.

“Nagpapasalamat ako sa bumubuo ng Gawad Pasado,” pagtukoy niya sa mga miyembro ng Pambansang Samahan ng mga Dalubguro na siyang nasa likod ng nasabing awards.

“Napakalaking recognition talaga ito para sa akin as an actor. Dito naba-validate yung talent namin.

“Hindi madaling maging isang artista. Pero napakasarap kapag nananalo ka ng award.

“Napakasuwerte namin na nabibigyan pa kami ng magandang role ng movie outfit like Star Cinema.

“And bihira na kasing dumating yung magagandang role. So kapag merong mga ganitong role, talagang gina-grab na namin kaagad.

“Hindi kami nagdadalawang-isip.

“'Tapos magagaling pa yung kasama mo sa pelikula. Sina John Lloyd [Cruz], sina Sylvia Sanchez, si Gretchen [Barretto].

“Magaling pa yung direktor namin, si Chito Roño. So it feels good.”

THANKFUL FOR AWARD. Bukod sa kanya ay pinarangalan din si John Lloyd Cruz bilang Pinaka-Pasadong Aktor at si Gretchen Barretto bilang Pinaka-Pasadong Katuwang Na Aktres para pa rin sa The Trial.

“Yung sinabi ko nga kanina, kapag dumating talaga yung panahon na maganda talaga yung script… kailangang trabahuhin mo nang mabuti.

“You have to give justice to the role. And siguro ito na ang nagpapatibay do’n sa ginawa namin.

“And it feels good to be recognized by the academe. I’d like to share this award din sa mga kasama kong na-nominate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’d like to share this also do’n sa mga kasama ko sa pelikula—yung mga artista, production staff, at direktor namin.”

Kasama ni Richard ang asawa niyang si Representative Lucy Torres sa kanyang pagdalo sa Gawad PASADO, at dito niya nai-dedicate ang kanyang award.

“Ang talagang nagbibigay inspirasyon sa akin, yung asawa kong si Lucy,” nangiting sabi niya.

NEW MOVIE. May ginagawa raw siyang pelikula ngayon sa Star Cinema. Ito ay ang Crossroads kung saan kasama niya sina Dawn Zulueta at Bea Alonzo.

“I play a doctor naman sa pelikulang ito. Maganda yung role ko,” sambit niya.

First time niyang makatrabaho si Bea. Ano ang masasabi niya tungkol sa aktres?

“Well, ano siya… she’s very focused sa ginagawa niya at sa role niya. And napakabait na tao ni Bea.

“And… ang ganda-ganda niya. Ang ganda niyang titigan.

“Kapag nagtatrabaho kayo, it feels good kapag maganda ang katrabaho mo, ang sarap. Ang saya, 'di ba?” sabay ngiti ulit ni Richard.

NEW TELESERYE. May bagong teleserye rin siyang ginagawa sa ABS-CBN, ang We’ll Never Say Goodbye na idinidirehe ni Jerry Sineneng. Kasama niya ulit dito si Dawn Zulueta.

“Ipapalabas ito by June. So malapit na… in two months' time.”

Wala bang sawa factor na laging sila ni Dawn ang nagkakasama sa mga projects?

Aniya, “Hindi. Kasi maganda yung script ng mga ginagawa namin, e. So doon pa lang talagang challenging na.”

ALL PRAISES FOR DAWN. Ano ang masasabi niyang advantage kapag si Dawn ang partner niya?

“Magaling na artista si Dawn, e. So… kapag magaling yung kaeksena mo, madaling um-acting, e.

“It makes our job, our work easier.”

Ano ang magiging koneksiyon ng role niya sa mga karakter na ginagampanan nina Dawn at Bea?

“Si Dawn is my wife na nagkaroon kami ng problema. Itong Crossroads, this is not a mistress movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa story, darating ang panahon na maghihiwalay kami ni Dawn. And then we will live our own separate lives, 'tapos mami-meet ko si Bea na magiging girlfriend ko eventually.”

Kasali rin sa cast sina JC de Vera, Jessy Mendiola, at Assunta de Rossi

“Asawa ko si Dawn dito. I play a lawyer.

“And magkakaroon kami ng conflict dahil yung makakalaban ko sa kaso ay isang senador. 'Tapos yung anak niya, kikidnapin ang anak ko.”

POLITICAL PLANS. Sa 2016 elections, may plano ba siyang tumakbo?

“Well… si Lucy, siya pa rin ang tatakbo sa amin sa Congress.

“Wala akong anumang political plan kasi nakaupo pa si Lucy, e. Maghihintay lang ako sa kanya.”

Si Sharon Cuneta ay bumalik na sa ABS-CBN. Payag ba siyang makatrabaho ulit ang megastar?

“Yes. Sinabi rin niya na gusto niyang magtrabaho kami pareho.

“Sabi ko… of course!

“'Di ba hindi natuloy yung sitcom na pagsasamahan sana namin sa TV5? Yung Pirated Family.

“Siguro dito sa ABS, baka matuloy. Malay natin!” nangiting sabi ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN